PHNOY - Get Updated for the latest

PHNOY - Get Updated for the latest
Get Updated for the latest

Biyernes, Enero 31, 2014

James Yap complains about not seeing son Bimby for five months now


James Yap on Kris Aquino's parenting style: “Kilala naman natin si Kris kung paanong mahalin yung anak ko... Kung anong plano niya sa future ni Bimby… ako kasi, hindi mo madiktahan yung isang tao kung ano ang gusto niya. Sa ngayon, dahil maliit pa siya [Bimby], siyempre nadidiktahan mo pa, 'Sige, gawin mo yung ganito.' Pero paglaki niyan, siya na ang masusunod."

Limang buwan na raw hindi nakikita ng PBA player na si James Yap ang ang anak nila ng dating asawang si Kris Aquino—si Bimby Aquino Yap.
Ito ang isiniwalat ni James nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Virtual Sports, Inc., na pag-aari ng manager niyang si Dondon Monteverde, sa Revolver Fort office, Bonifacio Global City, Taguig, kagabi, January 30.
“Matagal ko na siyang hindi nakita. Sana makita ko siya soon.
"Mahirap lang magsalita… pero huwag na lang… okay lang,” medyo nag-aalangang pahayag ng basketball star.
Umiwas din si James nang tanungin namin tungkol sa visitation rights, na sa pagkakaalam ng publiko ay iginawad na sa kanya ng korte.
Saad niya, “No comment na lang muna ako diyan, kasi medyo siyempre lumagpas ako sa ako… may gag order pa kasi ako.
"Bawal magsalita sa kung anumang isyu sa aming dalawa ng nanay niya.
“Siyempre bilang tatay, mami-miss mo yung anak mo.
"Basta dasal na lang na sana maayos na ang lahat at makasama mo yung anak mo."
Dagdag pa ni James, “Sa billboard ko lang siya nakikita, o sa pelikula din.
“Hindi ko na alam ngayon kung gaano na siya katangkad.
“Hopefully soon, makakasama ko na ang anak ko.”
PROUD DAD. Pero inamin ni James na proud siya sa kanyang anak nang mapanood ang unang pelikula nito, ang My Little Bossings, noong Metro Manila Film Festival 2013.
Nagpa-block screening daw si James kasama ang mga kaibigan, at natutuwa siya dahil pinuri raw si Bimby at maganda ang kinalabasan ng pelikula.
Aniya, “Nagulat ako na magaling pala umarte. Nakakatuwa.
“Siyempre, nung una kong napanood, talagang sobrang saya.
"And siyempre, bilang tatay, proud na proud ka.
“Kasi bilang tatay, pag may nagawa ang anak mo tulad ng ganyan, siyempre proud ka.”
Kung gusto raw ni Bimby na ituloy ang pag-aartista, suportado naman daw ito ni James, basta huwag lang maapektuhan ang pag-aaral.
Dagdag pa niya, “Kasi ako, sa totoo, hindi ako nakatapos sa pag-aaral ko, and gusto ko matapos siya.
"Huwag lang maapektuhan yung pag-aaral niya, dahil yun ang pinakaimportante."
Hindi naman daw na-offend si James nang nakita niya sa billing sa pelikula na "Aquino" ang apelyidong gamit ni Bimby, at hindi ginamit ang "Yap."
“Sa akin, okay lang yun.
"Siyempre, okay kahit anong gawin nila diyan sa pelikula.
"Pero sa totoong buhay, sa palagay ko, parang hindi naman tama.
“Bahala sila sa pelikula, kung hindi gamitin yung [apelyido] ko… bahala siya, basta sa akin sa totoong buhay.
“Sa pelikula, puwedeng gumawa ng screen name, so tanggap lang.
“Kung hindi nila type yung [apelyido] ko, basta sa totoong buhay, huwag nilang galawin,” saad ni James.
KRIS AS A MOTHER. Hindi naman daw kinukuwestiyon ni James kung paano alagaan at palakihin ni Kris ang kanilang anak.
Masaya raw si James sa pagpapalaki ng dating asawa kay Bimby.
Sabi niya, “Kilala naman natin si Kris kung paanong mahalin yung anak ko, and nakita ko din yung pagpapalaki niya kay Josh.”
Si Josh ang anak ni Kris sa dating nitong karelasyon na si Phillip Salvador.
Patuloy ni James, “Kung anong plano niya sa future ni Bimby… ako kasi, hindi mo madiktahan yung isang tao kung ano ang gusto niya.
“Sa ngayon, dahil maliit pa siya [Bimby], siyempre nadidiktahan mo pa, 'Sige, gawin mo yung ganito.'
"Pero paglaki niyan, siya na ang masusunod.
"Either gusto niyang mag-artista o gusto niya mag-businessman o mag-basketball player, hindi natin alam.
“Ako, andito lang ako, susuportahan siya kung anong gusto niyang gawin in the future.”
Umaasa pa rin ba si James na magkakaayos sila ni Kris at maging magkaibigan alang-alang sa kanilang anak?
Sagot niya, “Hindi ko alam, e.
“Siguro darating din yung panahon talaga, yung walang choice kundi… kumbaga maging civil lang.
"Kasi siyempre, may anak kami.
"Hindi naman puwedeng paglaki ni Bimby, magkaaway pa rin kami."
WEDDING TALKS. Pagdating sa kanyang relasyon kay Michela Cazzola, itinagngi ni James ang balitang magpapakasal na sila.
“Wala pa naman, e.
“Hindi naman minamadali ‘yan. So, relax lang.
“Ini-enjoy lang namin ang isa’t isa.
"Kasi yun naman talaga ang importante.
"Kasi yung pagpapakasal, hindi mawawala ‘yan. Basta kilalanin niyo muna ang isa’t isa.”
Ang hiling lang ni James, kung sakaling si Michela na nga ang pakakasalan niya, tanggapin din nito ang kanyang anak.
Sabi niya, “Pag hindi niya matanggap na meron akong anak, e, di hiwalay na lang.
"Kasi yun ang importante, kailangan matanggap mo yung anak ko, package deal na ‘yan.
"Kailangan maintindihan na niya na may anak ako."

Iya Villania is now Mrs. Drew Arellano!

"The beautiful bride," was how Paolo Valenciano described Iya Villania on his Instagram account. Iya is now Mrs. Drew Arellano.

Just married: Iya Villania and Drew Arellano!
The private wedding ceremony happened in Tagaytay City, at around 3:30 p.m.
Among the attendees was Kim Atienza, who posted this on Twitter: "I will get to your wedding @DrewArellano and @iyavillania even if I have to run there. #terribletagaytaytraffic"
Paolo Valenciano was the first to post photos of the bride and groom on his Instagram account @paolovalenciano.
Drew doing the “last minute inspections...”
“best wedding sign EVER”
Iya and Drew have been together for 10 years. But it was last year that the two began hinting at tying the knot in 2014.
In one of the bride's previous interviews, she told PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "I’m sure malapit na. Hello, nagugulat pa ba kayo?”

Huwebes, Enero 30, 2014

Vhong Navarro reveals alleged sexual encounter with Deniece Cornejo; Deniece claims she was raped


Actor-host Vhong Navarro claims that Deniece Cornejo freely engaged in a sexual act with him during their February 17 meet-up at her condo unit. This contradicts the 22-year-old model's earlier claim that Vhong is just like a brother to her.

Taliwas ang mga isinumiteng sinumpaang salaysay nina Deniece Cornejo at Vhong Navarro sa magkahiwalay na kasong isinampa nila laban sa isa’t isa. Noong January 28, Martes, naghain ang kampo ni Vhong sa Department of Justice (DOJ) ng mga kasong "serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail" laban kina Deniece at Cedric Lee. Kasama rin sa sinampahan ng kaso ni Vhong sina Berniece Lee (kapatid ni Cedric), Rance, Fernando Guerrero, isang nagngangalang Mike, at dalawa pang di kilalang lalaki. Ito ay kaugnay ng nangyaring pambubugbog kay Vhong sa Forbeswood, Taguig City noong gabi ng January 22. 

SEXUAL ACT WITH CONSENT. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online noong Miyerkules, January, 29, idinetalye ni Vhong sa kanyang sinumpaang salaysay na una silang nagkakilala ni Deniece sa isang shoe shop at nagpalitan ng contact details dalawang taon na ang nakararaan. Ayon pa sa aktor, noong November 2013 ay nanumbalik ang komunikasyon sa pagitan nila ni Deniece sa pamamagitan ng Facebook at Viber. Hanggang sa nagkasundo umano sila na magkita nang personal sa condo unit ni Deniece noong January 17. Inilahad ni Vhong na pagkatapos nilang mag-inuman ni Deniece ay nag-“make out” sila, hanggang sa humantong ito sa “oral sex.” Iginiit din ng actor-host na pareho nilang ginusto ang nangyari at hindi niya pinilit ang dalaga na mangyari ang nabanggit. Patunay raw nito ang palitan nila ng mensahe pagkaalis ni Vhong sa condo unit ng modelo. Sabi raw ni Deniece sa ipinadala nitong text message: “Bad boy ka.” Sinagot naman ito ni Vhong ng: “I’m sorry.” Matatandaang nabanggit ni Vhong sa panayam niya sa Buzz Ng Bayan, noong January 26, na pinakitaan siya ng motibo ni Deniece, kaya gumawa siya ng hakbang upang madigahan ang babae. 

MAULING, VIDEO RECORDING OF VHONG’S PRIVATE PARTS. Ayon pa rin sa sinumpaang salaysay ni Vhong, pagkatapos ng pagkikita nilang iyon ay inimbitahan daw siyang muli ni Deniece na mag-dinner sa condo unit ng dalaga.
Ang ikalawang beses nilang pagkikita ay noong January 22, Miyerkules, kung saan pinagdalhan pa ni Vhong ng take-out food si Deniece mula sa kinainan niyang restaurant.
Mismong ang dalaga pa diumano ang nagsabi na dumiretso na ang actor-host sa kanyang condo unit, dahil alam na ng guards ng Forbeswood Heights na dadating si Vhong bilang bisita ni Deniece. 
Ngunit kakatwa raw na umaktong nagulat si Deniece nang makita si Vhong papalabas ng elevator sa second floor ng gusali, kung saan matatagpuan ang condo unit ng dalaga.
Nang makapasok na si Vhong sa loob ng condo unit ay agad din umanong lumabas si Deniece.
Sa puntong ito, dalawang lalaki raw ang biglang sumulpot mula sa kuwarto ni Deniece, at ang isa sa mga ito ay tinutukan ng baril si Vhong.
Pagkatapos ay pinagsasapak, iginapos ang paa at kamay, at saka piniringan daw ang mga mata ng actor-host.
Pagkatapos ay dumating daw ang iba pang kalalakihan na nakisali rin umano sa pambubugbog sa kanya.  
Ang sumunod na nangyari ay hinubad diumano ng mga kalalakihan ang shorts ni Vhong, at kinunan ng video ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.
Itinutok din daw ang video camera sa mukha niya at pilit na pinasasabi sa kanya ang mga katagang: “Ako si Vhong. Ni-rape ko ang kaibigan ko.”
Bukod dito, may kahiya-hiya pa raw ginawa sa private part ni Vhong habang kinukunan ng video—bagay na hindi na idinetalye sa sworn affidavit ng aktor. 
DENIECE’S SWORN AFFIDAVIT.  Sa kabilang banda, nagsampa naman si Deniece ng reklamong panggagahasa laban kay Vhong sa Taguig Prosecutor’s Office noong January 29, Miyerkules.
Sa sinumpaang salaysay ni Deniece—na inilathala sa GMA News Online kagabi, January 30—inilahad ng dalaga ang mga pangyayari noong sapilitan siya diumanong hinalay ni Vhong.
Pasado alas-otso ng gabi ng January 22 nang tawagan daw siya ni Vhong upang ipaalam na pupunta ito sa kanyang condo unit para maghatid ng pagkain.
Pagdating ng actor-host sa kanyang condo unit, nagtungo raw si Deniece sa kusina upang magligpit ng kanyang pinagkainan at saka inalok si Vhong ng maiinom.
Lumapit daw ang actor-host sa kanya, nakipagbiruan, at pagkatapos ay hinaplos-haplos nito ang kanyang buhok, likod, at braso.
Sa puntong ito, nakaramdam diumano si Deniece na tila may hindi kanais-nais na motibo sa kanya si Vhong.
Kaya’t umalma si Deniece at sinabi kay Vhong: “Kuya, ayaw ko. Sorry, hindi ko talaga ito magagawa.”
ALLEGED RAPE INCIDENT. Laking gulat na lang daw ni Deniece nang biglang hinablot ni Vhong ang kanyang buhok at kinaladkad siya papuntang sofa.
Pilit diumanong pumaibabaw si Vhong sa kanya, ngunit nagpumiglas si Deniece, nakawala, at mabilis na tumakbo papuntang kuwarto upang tumawag ng saklolo.
Nang masundan siya ni Vhong sa kuwarto, puwersahan daw siya nitong inihiga sa kama at pinaghahalikan.
Sa kabila ng kanyang protesta at pagpupumiglas, umabot daw sa puntong nahubad ni Vhong ang shorts at underwear nito.
Pagkatapos ay sapilitan daw na isinubsob ang mukha ng dalaga sa maselang bahagi ng katawan ni Vhong.
Pilit pa rin daw nanlaban si Deniece, ngunit bandang huli ay natanggal din ni Vhong ang shorts at underwear niya.
Lahad pa ni Deniece tungkol sa diumano’y panggagahasa ni Vhong sa kanya, “At that point, I felt that his hard penis was already touching my private part as I continued to try too push him away from me.
“He was forcing his hard penis into my vagina, leaving me without any other recourse except to continuously struggle...”
Ngunit sa kabutihang-palad, tamang-tama raw na dumating ang mga kaibigan ni Deniece at sinagip siya mula sa diumano’y pananamantala ni Vhong sa kanya.
Ayon pa rin sa sinumpaang salaysay ni Deniece, iyak daw siya nang iyak at "hysterical" na, kaya nagtungo siya sa pool area ng Forbeswood kasama ng kaibigan niyang babae upang tumahan siya.
Nang mahimasmasan na si Deniece, bumalik daw siya sa kanyang condo unit at pinilit ang mga kaibigan niya na dalhin nila si Vhong sa presinto upang ireklamo ang nangyaring insidente.
Ngunit noong nasa presinto na sila, ilang beses daw nagmakaawa si Vhong kay Deniece na huwag nang ilabas sa media ang nangyari dahil masisira ang showbiz career nito.
Si Vhong din daw mismo ang nagsabing handa itong magbayad ng halagang P200,000 kapalit ng pananahimik umano ni Deniece.
Sa kagustuhan nitong huwag kumalat ang isyu, itinaas pa raw ng actor-host sa P500,000, hanggang sa maging P800,000, ang danyos na nais nitong ibayad sa dalaga.
Sa huli, pumayag daw si Deniece na ipa-blotter na lang si Vhong noong gabing iyon.
Bukod sa labis na pagmamakaawa ng actor-host ay ayaw na rin daw sana ng dalagang madagdagan pa ang trauma niya, sa oras na magsampa siya ng kaso.
Base pa rin sa sinumpaang salaysay ni Deniece, kapansin-pansin na ang tawag niya sa actor-host ay "Kuya Vhong."
Matatandaang nabanggit ni Deniece sa una nitong panayam sa 24 Orasnoong January 27 na parang kapatid ang turing niya kay Vhong.
Kaya't hindi raw makapaniwala ang dalaga na pagkatapos niyang pakitaan ng mabuti ang actor-host ay sisirain lang nito ang tiwalang ibinigay niya.
STRONG EVIDENCE AGAINST DENIECE, CEDRIC ET. AL. Ganunpaman, base sa paunang nakalap na ebidensiya ng National Bureau of Investigation (NBI), tila imposibleng pinagsamantalahan ni Vhong si Deniece noong gabi ng January 22.
Ito ay sa kadahilanang tumugma ang salaysay ni Vhong sa nakuhang video sa closed-circuit television (CCTV) footage ng Forbeswood condominium.
Dito ay makikita na pagdating ni Vhong sa condo ay kaagad ding lumabas ng building si Deniece.
Pahayag pa ni Atty. Vicente de Guzman, NBI Assistant Regional Director, ukol dito: “I think it's not possible yung sinasabi nilang attempt to rape Miss Cornejo.
"Kasi po, very glaring dito sa ating footage na there was no incident na si Deniece was inside that room [at that time]."

Miyerkules, Enero 29, 2014

Deniece Cornejo says she filed rape case against Vhong Navarro to teach him a lesson


Sa gitna ng kontrobersiya at patung-patong na kasong hinaharap, sinabi ni Deniece Cornejo na ayaw na niyang idamay rito ang kanyang pamilya. Saad niya, "Nasasaktan po sila, pero kilala po nila ako na pag sinabi ko po kung ano yung katotohanan, yun ang katotohanan. Kaya hindi po ako uuwi na hindi nagbibigay honor, hindi lang sa pamilya ko, kundi sa buong Pilipinas. Na hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan." 

Mag-isa lang si Deniece Cornejo na dumating sa tanggapan ng kanyang legal counsel na si Atty. Howard Calleja kahapon ng tanghali, January 29, para repasuhin ang kanyang affidavit bago sila dumulog sa Taguig Hall of Justice para magsampa ng kasong rape laban kay Vhong Navarro. Sumama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grupo ng Startalk na sinundan ang 22-year-old model sa pagsasampa nito ng demanda. Halos dalawang oras nag-usap sina Deniece, Atty. Calleja, at ang isa pang abugado ng modelo na si Atty. Connie Aquino. Pagkatapos nito ay tumuloy ang grupo nila sa Taguig Hall of Justice upang pormal na isampa sa Prosecutor’s Office ang kasong rape laban kay Vhong. 

VHONG ALLEGEDLY APOLOGIZED TO DENIECE. Sa panayam ng PEP at Startalk kay Deniece, sinabi niyang pagkatapos nilang magpa-blotter noong January 22, dahil sa diumano’y panghahalay sa kanya ni Vhong, panay raw ang sorry sa kanya ng aktor kaya pinagbigyan niya ito at nagsabing hindi na siya magdedemanda. "Attempted rape" ang reklamo ni Deniece nang magpa-blotter sila noong gabi ng January 22 Southern Police District. Pero dahil nagsalita si Vhong at idinawit na siya sa gulo, kailangan na raw magsampa ng demanda ni Deniece para mabigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya ng aktor. 

Pahayag niya, “Nung una po, siya po ang sorry nang sorry sa akin. "Binigyan ko lang siya ng pagkakataon na magbago at ipagpatuloy po ang buhay niya, yung career niya. "At alam ko, marami naman pong nagmamahal sa kanya. May pamilya po siya at may mga anak siya. “Kahit po dun sa condo pa lang, sorry nang sorry po siya hanggang sa police station. "Pinapangaralan ko siya.


"Sabi ko po sa kanya na, 'Hindi ako nagsu-sorry na ganito ang nangyari sa ‘yo. Nangyari na, e. Nasaktan mo na ako, e. I’m so sorry because I gave my trust to you.'
“Nakadawit na po kasi dito yung pangalan ko, ang reputasyon ko po, ang mga pamilya ko, at ang mga taong mahal ko.
"Ito po ang tamang paraan para mabigyan ng leksiyon ang mga taong binigyan mo na ng kabutihan, sinuklian ka pa ng kasamaan."
DENIECE'S FAMILY. Pursigido raw si Deniece na ituloy ang kaso laban kay Vhong.
Hindi na rin daw niya kailangang humingi ng tulong sa kanyang pamilya at mga kaibigan dahil kaya niya itong haraping mag-isa.
Ayon kay Deniece, “Kilala po ako ng pamilya ko.
"As much as possible, ayoko silang madamay dito.
“Nasasaktan po sila, pero kilala po nila ako na pag sinabi ko po kung ano yung katotohanan, yun ang katotohanan.
"Kaya hindi po ako uuwi na hindi nagbibigay honor, hindi lang sa pamilya ko, kundi sa buong Pilipinas.
"Na hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan."
Dagdag niya, “Pinalaki po ako nang maayos ng magulang ko with Christian values and strong principles.
"So, gusto ko lang po maturuan ng leksyon, ng tama, ang mga tao na may kasamaan."
Ito ay sa kabila ng sinabihan daw siya ng kanyang amang nasa Amerika na gusto nitong umuwi ng Pilipinas para samahan siya.
Pagdating sa kanyang ina, tipid naman ang mga salita ni Deniece.
“Ang unang text ng mommy ko, gusto niya akong yakapin.
"Pero sabi ko po sa kanya, kung ganito ako kalakas, dapat ganun din siya.
"Kilala po niya ako, e."
Iniwasan naman ni Deniece na pag-usapan ang tungkol sa kanyang mga kapatid.
Aniya, “Alang-alang po sa pamilya ko at sa mga kamag-anak ko, mga taong malapit sa akin, hindi ko kailangan ang kakampi.
“As much as possible, kung kaya kong protektahan sila, poprotektahan ko sila.
"Ako lang naman ang biktima dito, e.
"Hindi ko kailangang kumuha ng kakampi dahil mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanila."
Dahil sa mga nangyayari sa kanya ngayon, tumigil muna raw pansamantala si Deniece ng pag-aaral sa De La Salle University.
Ayaw naman niyang sabihin kung saan siya konektado o kung anong projects ang kasalukuyan niyang ginagawa bilang modelo dahil ayaw raw niyang madamay ang mga kumpanyang kumuha sa kanyang serbisyo.
CEDRIC LEE. Sinabi rin ni Deniece na hindi sila ganun ka-close ng negosyanteng si Cedric Lee, ang isa sa mga nambugbog kay Vhong sa condo unit ng dalaga sa Forbeswood Heights, Bonifacio Global City, Taguig.
“Kaibigan ko rin po siya, pero mas kaibigan ko talaga si Ate Bernice [Lee, kapatid ni Cedric].
"Pero mabait po siya, parang kuya ko nga po siya, e."
KUYA VHONG. Pagdating naman kay Vhong, iginiit ni Deniece na wala silang relasyon kundi parang kuya rin daw ang turing niya rito.
Nasaktan naman daw ang modelo sa patung-patong na kasong isinampa laban sa kanila ni Vhong.
Aniya, “Nakaramdam ako ng galit, masakit, nakakahiya.
"Pero I hope lalabas naman kung ano yung katotohanan, e."
Lalo raw ngayon patatatagin ni Deniece ang sarili, pero naniniwala siyang kakampi niya ang Diyos.
“Si God ang nagpapalakas sa akin ngayon.
"Siya lang po ang kakampi ko, dahil ngayon, hindi ko na po alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko."
BASHERS. Aware daw si Deniece sa mga panlalait at paninira sa kanya sa social media.
Ngunit itinanggi niyang nagparetoke siya ng mukha, base sa mga naglabasang luma niyang litrato kunsaan pinapalabas na malaki ang nabago sa kanyang mukha.
Sabi ng modelo, “Wala po.
“Hindi ko po kailangan yun.
"Bata pa po ako, four years, five years ago, siyempre po nagkakaroon ng improvement.
“Alam ko gagawin at gagawin ng mga tao dahil gusto nilang masira ang pagkatao ng isang taong inosente.”
Saad pa niya, “I understand na maraming sumusuporta, na marami siyang fans [Vhong], nirerespeto ko po yun.
“Ano po ba talaga dito ang topic, di ba rape?
"Hindi ko po hinuhusgahan ang pagkatao niya. Hinuhusgahan ko po yung ginawa niya."
Napaiyak naman si Deniece nang muli naming tinanong kung gaano siya kapursigido sa kasong isinampa niya laban kay Vhong.
Hindi raw niya alam kung saan ito hahantong, pero ang mahalaga ay ipinaglaban niya ang katotohanan.
“Nasasaktan po ako.
"Nakasalalay po rito, hindi lang naman trabaho ko.
"Eskuwelahan ko, pamilya ko, reputasyon ko po dito ang nakasalalay.
“May mga goals ako na gusto kong gawin.
"Pero if this is God’s will, God’s way para ipakita sa maraming tao kung gaano [ako] kalakas na babae...
"Kung ikakamatay ko, kung ikakakulong ko, hindi ako natatakot.
"At least, may nagawa akong kabutihan at naturuan akong leksyon, hindi lang si Kuya Vhong at mga taong walang utang na loob."
Nagbigay rin ng mensahe si Deniece para kay Vhong.
“Kuya Vhong, alam mo kung ano yung katotohanan.
“I hope you’ll be a man to face the consequences of your actions. That’s it.”
Ano naman ang natutunan niya sa pangyayaring ito?
“Ang natutunan ko rito, ang mali ay mananatiling mali. Sa mata ng prinsipyo, ang mali ay mananatiling mali,” sabi ni Deniece.

Deniece Cornejo files rape case against Vhong Navarro


Ayon sa legal counsel ni Deniece Cornejo (left) na si Atty. Howard Calleja, maituturing na rape ang ginawa umanong pamumuwersa ni Vhong Navarro (right) sa kanyang kliyente. Ito ay sa kabila ng walang nangyaring sexual intercourse sa pagitan nina Deniece at Vhong.

Naghain na ng kasong panggagahasa si Deniece Cornejo, 22, laban kay Vhong Navarro, 37, sa Prosecutor’s Office ng Taguig City, ngayong hapon, January 29.
Pahayag ni Deniece sa panayam ng 24 Oras kaninang hapon, “Ito ang tamang paraan para mabigyan ng leksiyon ang mga taong binigyan mo na ng kabutihan, sinuklian ka pa ng kasamaan.
“Hindi ko hinuhusgahan ang pagkatao niya. Hinuhusgahan ko yung ginawa niya.”
Bagamat patuloy na umaani ng pambabatikos si Deniece mula sa mga tagasuporta ng actor-host, desidido raw ang dalaga na ipaglaban ang karapatan at prinsipyo niya.
Hindi rin umano hahayaan ni Deniece na masira ang reputasyon niya at ng kanyang pamilya, lalo pa’t nasa panig siya ng katotohanan.
“Kung ikakamatay ko, kung ikakakulong ko, hindi ako natatakot.
“At least, may ginawa akong kabutihan at naturuan ng leksiyon, hindi lang si Kuya Vhong at yung mga taong walang utang na loob,” naiiyak na saad ni Deniece. 
Dagdag naman ng legal counsel ni Deniece na si Atty. Connie Aquino: “We are confident that a crime has been committed.”
REASON BEHIND THE RAPE CHARGE AGAINST VHONG. Matatandaang “attempted rape” ang alegasyon ni Deniece laban kay Vhong, base sa police blotter na isinumite nila sa Southern Police District, matapos mabugbog ang actor-host noong gabi ng January 22.
Ngunit ipinaliwanag ng isa pang legal counsel ni Deniece, si Atty. Howard Calleja, na maituturing na panggagahasa ang ginawa diumano ni Vhong sa kanyang kliyente. Bagamat walang sexual intercourse na naganap sa pagitan nina Deniece at Vhong, ang mahalaga ay malinaw na tumanggi ang biktima sa pang-aabusong naganap. Saad ni Atty. Calleja sa panayam ng Unang Balita kaninang umaga, “Dati ho ang rape, merong penetration, may contact, yung talagang pumasok. "Ngayon, dumampi lang 'yan sa kahit anong bagay or ganun ng mga participant doon, 'yan ay kasama na ng rape.” 

Wala rin daw rason para matigatig ang kanilang kampo dahil sa lumabas na closed-circuit television (CCTV) footage ng pagpasok at paglabas ng grupo nina Deniece at Cedric Lee kasama si Vhong sa Forbeswood Heights condominium noong gabing mangyari ang insidente.
Ito ay sa kadahilanang hindi naman naipakita sa naturang CCTV footage kung ano ang naganap sa loob mismo ng condo unit ni Deniece, kung saan ginahasa diumano ni Vhong ang dalaga.  
Nabanggit din ni Atty. Calleja na ang kasong rape na isinampa ng kampo ni Deniece laban kay Vhong ay base sa impormasyong ibinigay ng dalaga.
DENIECE'S SIDE OF THE STORY. Sa panayam ng 24 Oras noong January 27, inilahad ni Deniece na ilang beses siyang kinukulit ni Vhong na sundan ang una nilang pagkikita noong January 17.
Bagamat medyo nakaramdam na raw ng pag-aalinlangan si Deniece, kinalaunan ay pumayag siyang papuntahin muli si Vhong sa kanyang condo unit noong gabi ng January 22.
Ito ay dahil inaasahan din naman daw ng dalaga na dadating ang dalawa niyang kaibigang sina Cedric at Bernice Lee upang sunduin siya.
Ngunit nang papasukin umano ni Deniece si Vhong sa loob ng kanyang condo unit, bigla na lang daw siya nitong pinuwersa upang may mangyaring sekswal sa pagitan nila.
Sa puntong iyon ay dumating na raw sina Cedric at Bernice, kaya’t hindi umano natuloy ang tangkang panggagahasa ni Vhong kay Deniece.
Ganunpaman, pinanindigan ni Vhong na pinakitaan siya ng motibo ni Deniece noong unang beses silang magkita sa condo unit nito noong January 17.
Iginiit din ng actor-host na noong ikalawang beses silang nagkita noong January 22 ay walang naganap na anumang seksuwal sa pagitan nila ni Deniece.
Bagkus, kakapasok lang umano ni Vhong sa loob ng condo unit ng dalaga nang biglang pinagbubugbog na siya ni Cedric at iba pang kalalakihan.
Kahapon, January 28, nagsampa ng kasong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, at blackmail ang kampo ni Vhong laban sa grupo nina Cedric at Lee sa Department of Justice.
Posible naman daw magsampa pa ng karagdagang kaso ang kampo ni Vhong laban kina Deniece at Cedric.

Actual CCTV Footage - Vhong Navarro Case


Vhong Navarro story matches CCTV footage released by NBI


Ayon sa screen grab na ipinakita ng National Bureau of Investigation (NBI) galing sa CCTV footage ng Forbeswood Heights Condominium, sa Bonifacio Global City, makikitang pagkalipas ng tatlong minuto (encircled in red) simula nang makapasok si Vhong Navarro (kaliwa) sa condo, sumunod namang pumasok ang nambugbog umano sa TV host-dancer na si Cedric Lee (kanan).



Isa raw sa matibay na ebidensiya ng kampo ni Vhong Navarro ay ang CCTV (closed-circuit television) footage na nakuha ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Forbeswood Heights Condominum, Bonifacio Global City, Taguig City.
Ang nasabing CCTV footage ay kuha noong Miyerkules, January 22, 2014—ang araw na nabugbog ang TV host ng grupo nina Cedric Lee dahil diumano sa tangkang panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo.
Ayon sa ulat ng Pilipinas News (PNews) ng TV5 kagabi, January 28, sinabi ng isang opisyal ng NBI na tumugma ang naturang video sa statement ni Vhong.
Base sa mga screen grab mula sa CCTV footage na inilabas ng NBI, makikita ang paglabas-masok ni Vhong at ang grupo ni Cedric sa condominium na tinitirhan ni Deniece noong Miyerkules, January 22.

Sa unang screen grab, makikitang dumating si Vhong sa Forbeswood Heights ng 10:38 p.m.


Sumakay ang aktor ng elevator papuntang second floor papunta sa unit ni Deniece.
Ilang minuto matapos sumakay si Vhong sa elevator, makikita namang sumakay ng elevator si Deniece at bumaba sa lobby.
Naka-sleeveless, shorts, at tsinelas lang daw ang modelo.

Ayon pa sa ulat, nakunan din si Deniece ng CCTV footage sa lobby at lumabas daw ito ng condominium.
Bandang 10:41 p.m. sa time stamp ng CCTV sa lobby ng Forbeswood Heights—tatlong minuto mula nang pumasok si Vhong sa condo—nakunan naman si Cedric Lee na papasok sa condo.


10:43 p.m. naman nang makunan ang dalawang lalaki, na sinasabing kasamahan ni Cedric, na pumasok sa gusali.

Sumunod ding nakunan ang iba pang kalalakihan na paakyat din ng elevator.



Base pa rin sa ulat, ayon sa video na hawak ng NBI, sunod daw na umakyat si Deniece kasama ang kapatid ni Cedric na si Bernice Lee.
Matapos daw ang mahigit tatlumpung minuto, muling pumasok ng elevator ang grupo ni Cedric.
Sa pagkakataong ito ay kasama na si Vhong, na nakatalikod sa camera at  tila nakagapos ang mga kamay na binabantayan ng isang lalaki.


Dagdag pa sa ulat, makikita na may kasama na silang dalawang lalaki na hindi nakitang kasama ng grupo na pumasok sa condo.
Kasama na rin sina Bernice at Deniece sa naturang kuha ng CCTV sa may elevator.

STRONG EVIDENCE AGAINST CEDRIC, DENIECE, AND COMPANY? Kung pagbabasehan ang nasabing mga kuha ng CCTV, ayon sa abugado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, tila hindi ito tumutugma sa naunang pahayag ni Cedric na naabutan nilang ginagahasa ng aktor si Deniece.
Saad pa ni Atty. Mallonga, “It [CCTV] will show, beyond a shadow of a doubt, that this was a set up.”
Matatandaang sinabi ni Cedric sa kanyang mga panayam na kaya nila nabugbog si Vhong ay dahil nakita nilang ginagawan ng kahalayan ng aktor ang kanilang kaibigang si Deniece, nang madatnan nila ito sa condo unit ng modelo.



Martes, Enero 28, 2014

DJ Kat Alano's Facebook and Twitter posts about rape create buzz



DJ Kat Alano posted this intriguing message on her Facebook account last Saturday, January 25: “Justice from the universe. Thank you. After 9 years. Karma people. Don’t ever underestimate it. Just be patient. The truth will always come out.” 

Usap-usapan ngayon sa social media ang sunud-sunod na tweets ng radio disc jockey na si Kat Alano tungkol sa isyu ng rape.
Kagabi, January 28, naging trending topic pa sa Pilipinas ang pangalan ni Kat.
Nagsimula ito dahil sa post na ito ni Kat sa kanyang personal Facebook Account noong January 25, Sabado:
“Justice from the universe. Thank you. After 9 years. Karma people. Don’t ever underestimate it. Just be patient. The truth will always come out.”
Sinundan pa niya ito ng Facebook post tungkol sa rape noong Linggo, January 26:
“I think it’s quite appalling how people are so quick to defend those accused of rape. This is why so many people get raped. This is not the first time people. That’s a fact.”



IS THERE A CONNECTION? Walang pangalan na binanggit si Kat kung sino ang pinaparinggan niya sa kanyang posts na ito.
Ngunit agad iniugnay ng ilang netizens ang mga mensaheng ito ni Kat sa kasalukuyang isyu ng pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro.
Isang Twitter user ang nag-post ng ganitong tanong: “Is Kat Alano suggesting that she has been victimized by Vhoong Navarro? Hmmm.”
Sa kinasasangkutang kontrobersiya ngayon ni Vhong, inakusahan ang akor ng "attempted rape" ng modelong si Deniece Cornejo at ng negosyanteng si Cedric Lee.
Ang anggulong ito raw ang dahilan kung bakit nagpa-police blotter ang grupo nina Deniece at Cedric laban sa Kapamilya actor-TV host.