Batay sa pahayag ng kampo ni James Yap, nahihirapan umano ito na mabisita ang anak na si Bimby dahil sa Permanent Protection Order (PPO) ng korte na pabor kay Kris Aquino. Binabawalan din daw nito ang cager na lumapit sa yaya, kasambahay, guwardiya, pati na rin ang tumawag at magpadala ng text messages sa kanila.
Hangga't maari, ayaw na raw sana ng kampo ni James Yap na makipagpalitan ng salita kay Kris Aquino.
Pero sa ekslusibong pahayag ng abugado ni James na si Atty. Lorna Kapunan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, February 1, klinaro nito sa pamamagitan ng text ang visitation rights na iginawad ng korte sa kanyang kliyente.
Ang nagiging hadlang daw rito ay ang Permanent Protection Order ng korte kay Kris.
Kaya kung kasama lagi ni Bimby si Kris, hindi makakalapit si James.
Narito ang statement ni Atty. Lorna Kapunan:
“We do not want to engage in a verbal exchange with Kris.
“There is an order of the court recognizing James right to visitation.
“The parties have to comply with it IN GOOD FAITH.
“There is also a Permanent Protection Order (PPO) in Kris favor so James cannot go near Bimby if he is always with Kris.”
Mayo ng nakaraang taon nang i-deny ng korte ang petition for PPO ni Kris laban kay James para hindi ito makalapit sa anak. Pero iginawad naman ng korte ang PPO ni Kris laban kay James, para hindi ito makalapit sa kanya.
PPO COVERS YAYAS, MAIDS, GUARDS, CALLS, TEXT MESSAGES. Isa pang gustong klaruhin ni Atty. Kapunan ay ang sinabi ni Kris na walang "effort" si James para makita ang anak.
Sagot ito ni Kris sa pahayag ni James na limang buwan na niyang hindi nakikita si Bimby, na miss na miss na daw niya.
Pero ayon kay Atty. Kapunan, kahit pa maari raw bisitahin ni James si Bimby sa eskuwelahan nito para makapag-bonding silang mag-ama, ang madalas na kasama ng anak ay sakop ng PPO.
Saad ng abugado sa text, “The PPO also covers the yayas, maids, guards so James cannot get near Bimby if they are with him unless on dates scheduled by the court as agreed by the parties.
“PPO covers also calls, text messages.”





0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento