PHNOY - Get Updated for the latest

PHNOY - Get Updated for the latest
Get Updated for the latest

Linggo, Pebrero 16, 2014

Deniece Cornejo says kissing video with Cedric Lee has no malice


Sa ulat ng 24 Oras kagabi, February 15, pinabulaanan ni Deniece Cornejo ang espekulasyong may ugnayan sila ni Cedric Lee higit pa sa pagiging magkaibigan.
Kaugnay ito ng nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI) na karagdagang closed-circuit television (CCTV) footage mula sa Forbeswood Heights, noong gabing nabugbog ang actor-host na si Vhong Navarro.
Dito ay mapapanood na hinalikan ni Cedric si Deniece sa magkabilang pisngi habang sila ay sakay ng elevator.
Nakunan ito pagbalik ng grupoo ni Cedric at Deniece sa condo, ilang oras matapos nilang dalhin sa Southern Police District si Vhong para ipa-blotter dahil diumano sa tangkang panghahalay ng aktor kay Deniece.
Ngunit iginiit ng modelo na walang malisya ang ginawang paghalik sa kanya ni Cedric sa loob ng elevator.
Ayon kay Deniece, nagpasalamat lang siya kay Cedric at sa iba pa nilang kasamahan na sumaklolo sa kanya at tumulong na mag-ayos ng kanyang condo unit.
Dalawang taon na raw silang magkakilala, ngunit mas malapit umano ang modelo sa kapatid niyang si Bernice Lee.
BASHERS. Samantala, umalma si Deniece sa patuloy na pambabatikos ng publiko kaugnay ng reklamong panggagahasa na isinampa niya laban kay Vhong.
Ilang magkakasunod na Instagram posts ang inilathala ng dalaga, upang ipaliwanag na hindi niya ginusto ang diumano’y seskwal na pang-aabusong ginawa diumano sa kanya ni Vhong noong magkita sila sa condo unit niya noong January 22, 2014.

Miyerkules, Pebrero 12, 2014

Raymart Santiago facing visitation problems


It’s going to be a long, tumultuous custody battle between Raymart Santiago and Claudine Barretto.
Both camps have been quiet about their cases for almost a month now, but a source who moves in the estranged couple’s inner circle said a lot has transpired since December last year.
First off, the petition for TPO (Temporary Protection Order) filed by Claudine against Raymart in July has been "lifted insofar as the children are concerned."
This means, the Kapuso actor has been given the go signal by the court to contact and visit Sabina and Santino.
THE VISITS THAT NEVER WERE. In most of Raymart’s interviews late last year, he was vocal about his wish to see his nine-year-old daughter and six-year-old son.
In an article posted on Sun Star Manila last October 26, Raymart said, "Gusto kong mangyari ay makita yung mga anak ko, magkaayos kahit papaano.
“Makasama nang mas matagal, dahil kahit papaano, Tatay pa rin nila ako.
“Kung anong problema naming mag-asawa, labas na sila.”
But according to a source of PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) the actor has been having “problems” with his visitation rights.
Although he was given the chance to see them twice during the holidays, the source said Raymart had waited in vain.
The alleged reason: His estranged wife was supposedly far from obliging.  
Her alleged reason: The kids supposedly didn’t want to see their father.
The source also said that Claudine took videos of Sabina and Santino showing their refusal to see Raymart, despite prodding from the nannies.
In the first visit, the actor waited in vain, while the kids were reportedly playing video games, according to the source.
In the second visit, the kids didn’t show up because Claudine had taken them to a resort, the source said.
There was another opportunity to see them this year, but it was another futile attempt.
The third visit was supposed to have taken place on the 4th floor of the Marikina Regional Trial Court.
A witness told PEP, “Nasa loob sila ng room pero wala po yatang nangyari kasi nakabantay sina Ms. Claudine."
The source added, "Wala pang minutes," because Claudine was there and the children allegedly kept looking at her.
To date, the source said all efforts of Raymart to see Sabina and Santino have not been successful.
MRS. INDAY BARRETTO CLARIFIES ALLEGATIONS. In an attempt to get Claudine’s side of the story, PEP called the actress’s mom, Estrella "Inday" Barretto, on January 25.
She initially said, "She [Claudine] will no longer speak. There's a gag order."
But since, "I was a witness to it [the incident]. People were witness to it," she decided to "correct" the source's story.
The visit or “incident” took place on January 17.
Mrs. Inday said she and her daughter brought the kids to the Marikina Regional Trial Court.
"The judge agreed, 'Samahan na lang ni Claudine.'
"Sinamahan namin, lahat kami,” Mrs. Inday narrated.
"She accompanied [them] because the kids won't go, but she was in another room.
"On the way, [Santino] was nakabuntot kay Claudine. Matutumba na si Claudine. Nakakapit siya sa puwet ni Claudine sa likod... it was traumatic," she said.
The visit, according to Mrs. Inday, lasted for "two hours."
But in between, "Takbo mga bata, 'Where's my mom?' O binalik na naman ang mga kids back and forth, back and forth...
"Claudine wasn 't even there. She was outside. Lumayo siya. She was in the car,” Mrs. Inday said.
"Raymart came out, nagkita pa kami."
She stressed, "Claudine was not there to stop them.
"The lawyers, the DSWD saw them.
"Whether they believe it or not that's their problem."
With regard to the visits during the holiday season, Mrs. Inday said they were supposed to have taken place on December 25 and January 1.
"I know about the visitations, but where was Raymart?
"We were there [during] the holidays.
"It was Christmas Day, where was he? Claudine has not said anything na hindi [puwedeng bumisita].
"Yung mga bata, ayaw...
"Hindi natuloy. I dunno why. Where was he?
"That's really beyond our control."
Refering to the source's claims, "Wala silang alam. Yung mundo outside, they don't know. I know because I see it and we have proof. Sobra na sila.
"[On] the side of Claudine, if you must remember, [we have] not said anything because we are also of the same sentiment na tama na. Wala nang pakialam ang mga tao. Sukang-suka na yung mga tao sa ganun."
THE KIDS’ ATTITUDE TOWARDS RAYMART. The actor, the source added, has a more pressing problem—the possible impact of the couple’s feud on their kids, Sabina and Santino.
Before the hullabaloo, the source said the 37-year-old star was never remiss in his fatherly duties even after leaving their Loyola Grand Villas home on March 17, 2013.
And in his counter-affidavit submitted to the Prosecutor's Office of Marikina on September 24, 2013, he stated that he spent time with the kids regularly, and he “never ceased to provide financial support to our children.”
Raymart elaborated: “I paid for the children’s full tuition and deposited the amount of Two Hundred Thousand (Php200,000.00) from April to June 2013 and One Hundred Thousand (Php100,000.00) in July 2013, as evidenced by the entries in the bankbook of our joint account and a deposit slip, copies of which are hereto attached and marked as Annexes ‘36,’ ’37’ and ‘38’”
In the same affidavit, Raymart said that his relationship with the kids then was very okay.
But Claudine’s post on Instagram last October 19, 2013, suggested otherwise.
Sabina’s message for the 34-year-old star: “You’re the best mom, I want to stay with you not Papa, I love you.”
And based on the kids' reaction to their dad, the source said that one of Raymart’s major concerns now is to be closer to his kids.
In previous interviews, the actor described the intermittent feuds in court as “hindi maganda para sa mga bata.”
“SOBRANG FEELING” LAWYERS. The actress’s last post about the issue was via Twitter last January 17.
She and her legal counsel, Atty. Ferdinand Topacio did not give much detail.
Even one of Raymart’s lawyers, Atty. Ruth Castelo, chose not to issue a statement.
The source said it had something to do with the hearing—the same day that Claudine chose to post on Twitter.
Claudine was said to be in a bad mood that day. According to one witness, the actress even shouted at the companions of Raymart.
The source identified one of the companions as "Atty. Ruth Castelo."
Regarding this, Mrs. Inday commented, "People want to take your children away from you, some people can kill."
In a text message sent on January 26, we asked Atty. Ruth Castelo to comment on the mood of Claudine that day, but she declined to issue any statement.
Meanwhile, the source added, “The TPO was lifted already.”
On January 20, PEP Senior Writer Arniel Serato verified this development through Atty. Topacio, who simply replied that it was “modified.”
When asked about the claim of the source on Raymart’s visitation problems, he declined to comment.
Atty. Castelo, on the other hand, sent this brief statement via text on January 27:
"With the recent amendment of the TPO, we expect Ms. Barretto to comply with the orders of the court or be ready for the repercussions in case of defiance. Mr. Santiago will not hesitate to take appropriate legal action to make sure that the orders are faithfully enforced."'
Should any of the parties involved decide to issue any additional statement, PEP will readily publish it.

Martes, Pebrero 11, 2014

Vhong Navarro denies viral photo of abused sex organ is his


Dalawang linggo pagkatapos ibunyag ni Vhong Navarro ang pambubugbog sa kanya, muling nagpaunlak ng panayam ang aktor kay Boy Abunda para sa Buzz Ng Bayan noong February 9.
Kung noong una ay naka-confine pa sa ospital si Vhong at bakas pa ang grabeng pinsalang natamo niya mula sa pambubugbog, sa pagkakataong ito ay nakalabas na siya sa ospital bagamat may kaunting bakas pa rin ng tinamo niyang pinsala.
Binalikan ni Boy ang paulit-ulit na pahayag noon ni Vhong na: “Binaboy nila ako.”
Ano ang ibig sabihin ni Vhong sa mga salita niyang ito?
Tugon ng actor-TV host, “Mahirap, kasi ang ginawa sa akin, naka-tape, naka-duct tape ang kamay ko, at may pinapasabi sa ‘yo na ‘di mo ginawa.
“May nakatutok na baril sa ‘yo, ibinaba yung short pants mo.
“Parang, hindi mo gagawin yun sa isang tao.
“Hindi ko alam kung ano po ang pumasok sa isip nila para po gawin yun.
“Pero para po sa akin, isa pong pambababoy yun.”
THE MYSTERIOUS PHOTO. Sinunog ba ang ari niya?
“Hindi po,” tanggi ni Vhong.
Pinalo ba ito?
“Hindi po. Pero noong panahon na yun, naka-blindfold po ako.
“After two days, three days, may nakitang pasa dito sa tagiliran ko. Kaya pina-check po namin ulit lahat.
“Kasi that time, masyado nang lamog ang katawan ko, manhid na po.”
May umiikot sa Internet na larawan ng isang ari na parang may sunog, namamaga. Hindi ba sa kanya yun?
“Hindi po,” pagtanggi ni Vhong.
Nakita na niya ang larawan?
“Opo, pero hindi po talaga,” diin niya.
Noong January 17, nagkita sila ni Deniece Cornejo, ang modelong nag-aakusa ngayon kay Vhong ng rape.
Ayon kay Vhong, walang sexual intercourse, pero may nangyari sa kanila ni Deniece.
Bakit siya bumalik sa condo unit ni Deniece noong January 22?
Saad ni Vhong, “Kasi, malinis po ang intensiyon ko.
“Babalik ako, kasi sabi niya, gusto niyang mag-usap po kami. Kaya po ako bumalik.
“Kasi, kung meron po akong ginawa sa kanya noong una na sinasabi niyang rape, hindi po ako babalik dun.
“Kasi [kung] guilty ako, bakit po ako babalik?
“Malinis po ang konsensiya ko kaya po ako bumalik.”
WHY HE KEPT HIS SILENCE. Ayon sa mga pulis na naka-duty sa Southern Police District (SPD), binigyan nila ng pagkakataon si Vhong na sabihin ang panig niya nang dinala siya roon ng grupo nina Deniece at Cedric Lee para magpa-blotter noong gabi ng January 22.
Bakit hindi siya nagsalita?
Paliwanag ni Vhong, “Natatakot po ako, e.
“Siyempre kung sasabihin ko… kasi ang gusto ko, umalis na ako.
“Makapunta ako sa sasakyan ko at makasibat na po ako dun.
“Kasi, ang hirap magsabi ng statement mo na nandoon po sila.
“Siyempre po, paano ko ipagtatanggol ang sarili ko, baka anytime, may gawin na naman sila sa akin doon.
“Basta ang sinasabi ko lang po, oo, oo sa kanila. Hindi po ako humihindi, e.”
Mula sa SPD, dinala si Vhong sa sasakyan niyang nakaparada sa Forbeswood Heights, kung saan naganap ang pambubugbog sa kanya.
Pero sa halip na dumiretso ng hospital ay umuwi siya ng bahay. Bakit?
“Sobrang takot po, sobrang takot,” sabi ni Vhong.
“Actually, hindi pa po ako umuwi ng bahay.
“Pinuntahan ko pa po ang mga kaibigan ko sa restaurant ng kaibigan ko.
“Kasi, sabi ko po, hintayin nila ako dahil saglit lang ako.”
Bakit hindi siya dumiretso na lang sa hospital sa nararamdaman niyang sakit?
“Yung sakit, hindi ko nararamdaman, puro takot po ang nararamdaman ko.
“Kaya that time, parang gusto kong ibigay ang gusto nila.”
Noong binalikan niya ang kanyang mga kaibigan, ano ang naging reaksiyon ng mga ito?
“Nagulat, nagulat siyempre sa hitsura ko.
“’Tapos, parang, ‘Paano nangyari ‘yan?’
“Nagkukuwento po ako unti-unti, pero ang sabi ko sa… ibibigay ko ang gusto nila.
“Basta ayokong magpaospital. Yelo lang ‘to.
“Walang pumapasok sa ano ko… Basta ang sabi ko, ibibigay ko ang gusto nila sa sobra pong takot.”
WITNESSES AGAINST HIM. May mga umiikot ding usap-usapan na diumano’y may mga babae pang lalabas para naman daw tumestigo laban sa kanya.
Mayroon ba siyang inagrabyadong babae sa buong buhay niya?
“Parang wala po akong maalala,” sagot ni Vhong.
Ngayon lang ba niya nalaman ang tungkol sa bagay na ito?
“Opo, may mga lumalabas, may mga naririnig, may mga bumubulong po sa akin, meron daw.
“Pero wala po akong magagawa, kanila po yun, e.
“Basta po ang sa akin, ito pong inilalaban namin ay ang ginawa po nila sa akin.
“Yun po ang sa akin.”
Sa mga naging pahayag ni Deniece, ginahasa raw niya ito. Ayon naman kay Cedric Lee, hindi raw siya extortionist.
Ang tanong ng iba: Bakit si Vhong ang dapat paniwalaan?
Tugon ng It’s Showtime host, “Humarap po ako, nagpa-interview po ako sa inyo.
“Hindi po ako nagsisinungaling at hindi po ako gagawa ng isang kuwento.
“Katunayan po, nang magkuwento po ako sa inyo, wala pa po kaming hawak na CCTV.
“Kaya ang laki ng pasasalamat namin nang makuha po namin after po na magsabi ako or kuwento ko po sa inyo.”
Ang tinutukoy ni Vhong ay ang closed-circuit television (CCTV) footage na inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI), kung saan nagtugma ang mga salaysay ng aktor.
LANGIT O IMPIYERNO? Natawa naman si Vhong nang tanungin tungkol sa naging pahayag niya noong una siyang magsalita na, “Akala ko, oras ko na.”
Kung natuluyan siya, sa kanyang palagay, diretso siyang langit o impiyerno?
Sabi niya, “Hindi ko alam, kasi aminado naman ako, may pagkakamali ako sa girlfriend ko.
“So, hindi ko po alam kung saan ako pupunta.
“Basta ako, kung saan man ako, tatanggapin ko po yun.”
Sa mga pinagdaanan niya sa buhay, naging malaking tulong kay Vhong ang “humor” niya.
Pero ayon kay Vhong, “Sa ngayon po, mahirap pa po. Kaya nga po ang hirap pang bumalik sa It’s Showtime.”
Pero babalik siya sa noontime show ng ABS-CBN?
“Opo, babalik po,” pagkumpirma niya.
“Babalik po ako. Hindi ko lang po alam ngayon kung kailan.
“Nami-miss ko po yung mga ginagawa kong pagpapasaya sa kanila. Pagpapatawa sa kanila.
“Feeling ko, kaya po ako nandito para magpasaya ng mga tao.
“Minsan po, ang mga komedyante, mas maraming dinadala ‘yan, pero mas masaya sila kung nagpapatawa sila.”
SUPPORT FROM THE SHOWBIZ INDUSTRY. Habang nangyayari itong sinasabi niyang trauma, paano niya nagagawang malagpasan ang mga ito?
Sagot ni Vhong, “Lakas lang po ng loob.
“Para po sa akin, ang problema, hindi puwedeng takbuhan. Kailangan ko pong harapin.
“E, ang nagbibigay po sa akin ng lakas ng loob, pamilya ko, mga anak ko, mga kaibigan ko, at yung mga hindi ko po kilala.”
Noong isang linggo ay naglabas ng manifesto kunsaan nagpapakita na nasa likod niya ang buong showbiz industriya.
Noong malaman niya ito, ano ang kanyang naramdaman?
Pahayag ni Vhong, “Una sa lahat, iba yung pakiramdam na mga kapwa natin sa industriya ay sinasabihan ako na, 'Susuportahan ka namin.'
“Isa pa yun sa mga nagpalakas ng loob sa akin para harapin ko po ang lahat.”

Lunes, Pebrero 10, 2014

Vhong Navarro grateful to girlfriend for not leaving despite his infidelity


Dalawang importanteng bagay raw ang natutunan ni Vhong Navarro sa nangyaring pambubugbog sa kanya.
Una ay tiwala.
Saad ni Vhong, sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ni Boy Abunda saBuzz Ng Bayan, “Ako po kasi, napaka-friendly ko.
“Kumbaga, wala akong pinipili kahit na sino. Kapag alam ko na ang taong ito ay masarap kausap, nakakatuwa, o may natutunan tayo o wala man, basta ang bilis ko pong makapalagayan ng loob.
“Kaya lang, sa nangyari, ngayon, parang may trauma ako sa nangyari.
“Parang hindi siguro ako magtiwala muna.
“Siguro, alamin ko muna kung ano ang pagkatao niya.”
Pangalawa raw na natutunan niya ay ang pagiging faithful.
“Sabi ko nga, ito yung napaka-down ng buhay ko na pinagdaanan.
“Pero until now, nandiyan pa rin siya.
“At talagang dapat yata hindi na mauulit, hinding-hindi na mauulit na may gawin pa akong ganun ulit.
“Kaya dapat maging faithful akong talaga.”
VHONG’S GIRLFRIEND. Ang tinutukoy ni Vhong ay ang pagiging faithful niya sa kanyang girlfriend na si Tanya Winona Bautista.
Halos anim na taon na ang relasyon nina Vhong at Tanya, na nagsimula sa set ng pelikulang My Only U (2008).
Si Tanya ang sumulat ng script ng pelikulang ito ni Vhong katambal si Toni Gonzaga.
Pagkatapos ng mga nangyari, maiintindihan niya ba kung iiwan siya ni Tanya?
Sagot ni Vhong, “Opo, sobrang maiintindihan ko.
“Isa po yun sa mga ipinagdarasal ko na sana, sa lahat ng nangyayari ngayon sa akin, huwag akong iwan.
“Siyempre, napaka-selfish pa rin na huwag akong iwan ni Tanya or ng girlfriend ko.”
Kapag silang dalawa lang ni Tanya, ano ang pinag-uusapan nila?
“Masaya kami ngayon, e.
“Iba, iba ang aming samahan. Mas lumalim.”
Noong malaman ni Tanya ang nangyari, paano siya nagpaliwanag?
“Sabi ko, huwag na muna niya akong iwan sa mga panahon na ‘to dahil alam kong masakit sa kanya.
“Ang sinasabi niya, huwag ko munang intindihin yun. Ang intindihin ko muna ay ang ikaw.
“Kaya ako, in-admit ko ang kasalanan ko sa kanya dahil totoo naman po, e—nagkasala ako sa kanya.
“Paiba-iba pa siya ng isip. Naguguluhan pa siya.
“But right now, mas lalong lumalalim ang aming pagsasama at pagmamahalan.
“Mas naiisip niya na mahal pa rin niya ako kahit sa nagawa kong ito sa kanya.”
Tinanong ba niya ang girlfriend kung mahal pa siya nito?
Sabi ni Vhong, “Opo, palagi ko namang tinatanong.
“Kasi, noong unang tinatanong ko siya, parang hindi raw niya masabi. Naiintindihan ko po yun.
“’Tapos, nakausap ko ang mommy niya at mga kapatid niya, humingi rin po ako ng tawad. Na sana patawarin po ako.
“E, siyempre, pinagbibigyan po nila ako, parang second chance.”
Napag-uusapan na nila ang kasal?
“E, siyempre, ayoko namang pag-usapan ngayon yun.
“Baka dahil dun po… gusto ko po yung naka-ready po kami.”
VHONG’S CHILDREN. Naluha naman si Vhong nang tanungin tungkol sa dalawa niyang anak, at kung gaano ang hiyang nararamdaman niya para sa mga ito.
Saad ng actor-TV host, “Nakakahiya, kasi alam kong nagkamali ako doon nga sa girlfriend ko.
“Siyempre, ipinaliliwanag ko sa kanila ang ginawa ko na huwag nilang gayahin.
“Baka paglaki nila, may mag-isip sa kanila na okay palang magloko sa girlfriend.
“Nahihiya ako kasi nagawa ko yun at ayokong gawin nila yun.
“Yun ang palagi kong ipinapaliwanag sa kanila.”
Noong nasa hospital pa siya, sinabi ni Vhong na ayaw niyang papuntahin ang kanyang ama.
Ano ang sinabi ni Vhong sa tatay niya?
“Kasi, ilang araw na ang nakalilipas na nasa hospital ako na hindi ko siya pinapupunta.
“May sakit ang daddy ko, e.
“Siyempre, kapag nakita niyang ganoon ang hitsura ko, parang hindi mo papayagan ang anak mo na ganoon ang hitsura.
“Ayoko pong magtanim siya ng galit.
“Kahit sa mga anak ko, ayoko pong ipakita dahil ayoko silang magtanim ng galit.
“Dahil ang lahat ng ito ay puwede namang hustisya.”
Naintindihan ng tatay niya?
Sagot ni Vhong, “Noong una, hindi po niya naiintindihan.
“Nagagalit na siya sa akin dahil bakit daw ang ibang mga kaibigan mo, nandiyan.”
Kumusta ang kanyang nanay, kapatid, mga kapitbahay sa Pasay?
“Sobrang ang sarap ng pakiramdam na yung lahat ng kaibigan ko, mga nag-text, dumalaw, talagang nakasuporta sila sa akin.
“Sabi nga ng doctor ko, yung psychologist, gusto niyang magpahinga ako.
“Pero iba po kasi ang pagpapahinga ko na hindi ako makatulog.
“Iba po yung nandiyan sila, nakakatulong sa akin.
“Panandalian, nakakalimutan ko ang mga pinagdadaanan ko, yung mga trauma na nararamdaman ko.
“So, mas gusto ko po yung nandoon sila. Kahit paano, nabibigyan ako ng ngiti, ng saya.”
Nakakatulog na siya?
Sagot ni Vhong, “May ilang araw po na humihingi po ako ng pampatulog at inoobliga nilang ibigay sa akin, kasi kailangan ko raw po.
“Siguro, mga three to four nights ako na binibigyan.
“Parang sinabi ko na rin na try ko na huwag, try ko.”
UNTIL JUSTICE IS SERVED. Hanggang saan ang laban na ito?
Sagot ni Vhong, “Hanggang magkaroon po tayo ng hustisya. Hindi po tayo aatras.
“Nangyari po sa akin, puwede pong mangyari sa mga kapwa ko Filipino at puwede pong maulit-ulit.”
Lalaban siya hanggang makuha niya ang hustisya, kahit mawalan siya ng career?
“Sa ngayon po, mahirap po ang pinagdadaanan ko.
“Sa paglabas ko po, lahat, alam ko po na meron pong magsasakripisyo, alam ko po yun.”
Natatakot ba siyang bumalik sa It’s Showtime at hindi siya matanggap nang buo?
“Meron pong ganun, meron po,” pag-amin ni Vhong.
“Kasi, ang tao, may kanya-kanya pong opinyon at paniniwala, hindi ko po kayang kontrolin.
“Basta ako po, malinis po ang konsensiya ko.”
Paano siya nabago ng lahat ng ito?
“Duwag ako… duwag akong mag-isa.
“Pero sa lahat ng ito, nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang lahat.
“Pagbaba ko pa lang ng St. Luke’s, meron po dun na mga babae, mga nanay, sabi nila, ‘Vhong, hindi mo lang ‘to laban, laban natin ‘to.’
“Gusto kong maiyak that time.”
Sa palagay niya, bakit siya binuhay ng Diyos?
“Alam ko po, naging instrument Niya po ako. Meron po Siyang ipinapagawa sa akin.
“Na medyo kailangan ko lang pahirapan nang konti para po magising, at the same time, meron pong managot sa pangyayari pong ito.”

Linggo, Pebrero 9, 2014

Jose Manalo on Wally Bayola's return to Eat Bulaga!: “Sana makabangon siya.”


Jose Manalo with Wally Bayola and Paolo Ballesteros at the “Juan for All, All for Juan” segment earlier, February 8.
Jose is thankful to Eat Bulaga! management because part of his birthday celebration was the comeback of his original partner Wally on the show.
Nakaalalay sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros kay Wally Bayola nung bumalik ito sa Eat Bulaga! kaninang tanghali, February 8, sa location ng “Juan for All, All for Juan” segment na ginawa sa Brgy. 686, Zone 75 sa Paco, Manila.
Kasama si Wally sa naturang segment na dating hina-handle nila ni Jose. Pero sa halos limang buwang pagkawala ng comedian/TV host, si Paolo ang pumalit at tumuluy-tuloy na ito.
Sa pagbalik ni Wally kanina, ipinadama sa kanya na tanggap siya ng mga Dabarkads, kaya hindi nito napigilang maiyak habang humihingi ng paumanhin sa nangyaring video scandal.
Itinaon sa birthday celebration ni Jose ang pagbabalik ni Wally kaya tuwang-tuwa ang una sa desisyon ng top executives ng Eat Bulaga!
Pahayag ni Jose, “Masaya siyempre, ka-partner natin sa trabaho ‘yan, at naramdaman naman natin kung paano siya tinanggap ng mga tao rito.
“Paglabas niya kanina, nakita ko rin kung papa'no nagsigawan ang mga tao, sinigaw ang pangalan niya.
Dagdag pa niya, “Mahigit ten years na magkasama kami ni Wally na halos araw-araw, gabi-gabi. Na-miss ko siya siyempre kahit papa'no.”
TRAUMATIZED. Sinubukan ng Startalk at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kapanayamin si Wally, pero pinagbawalan muna ito ng mga taga-Eat Bulaga!
Kaya si Jose na ang nakausap namin at nagpaliwanag kung ano ang naramdaman ni Wally nung mga oras na iyun.
Ramdam niyang hindi pa gaanong kampante ang nagbabalik na miyembro ng Dabarkads.
Tahimik lang si Wally, at kahit sumasabay siya kina Jose at Paolo, hindi pa siya ang dating masayahin at masiglang Wally.
Kaya inalalayan daw muna ito nina Jose para maramdaman ng ka-partner niyang back to work na siya.
“Alam mo, sa tingin ko, parang may trauma din siya.
“Alam naman niya kung gaano kabigat yung nagawa niyang pagkakamali. So unti-unti, at tutulong na rin kami na mga Dabarkads na maibalik ang dating saya ni Wally Bayola,” tugon ni Jose.
NO COMMUNICATION AT THE HEIGHT OF SCANDAL. Inilahad rin ni Jose na nung lumabas yung iskandalong kinasangkutan ni Wally, matagal daw munang hindi nakipag-communicate sa kanya ang ka-partner.
Siya raw ang unang sinabihan ni Wally tungkol sa sex video scandal at namura pa raw niya ito noon, pero pinayuhan daw niyang kausapin muna ang kanyang pamilya.
Saad nito, “First na nawala si Wally, mga two weeks, three weeks talagang nanahimik siya, e. Wala kaming contact sa kanya.
“Yung dating number niya, tini-text namin, hindi siya nagri-reply. Siguro umabot ng isang buwan o dalawang buwan, dun nagti-text na siya.
“Nagsu-sorry siya, yun ang laging tini-text niya na, 'Sa lahat na nagawa ko, lahat na pagkakamali ko, patawarin n'yo na ako.'
“Alam ko na naapektuhan din, nadamay daw kami na mga Dabarkads. Yung mga taong siyempre na natutuwa sa kanya, alam niya na nasaktan niya rin, siyempre, ang mga mahal niya sa buhay.
“Pinapayo ko lang sa kanya, sabi ko, ‘Brod, sabi ko nga hangga’t buhay ang tao, hindi naman nawawalan ng pag-asa, e. May kanya-kanya tayong problema.
“Kagaya nang sinabi ko rin nga kanina na sabi nga natin hangga’t nagkakaroon ng problema ang tao, dapat na magpasalamat tayo kasi mas lumalapit Siya sa ‘yo.”


Natutuwa rin daw siya kay Wally dahil hinarap niya ito at humingi ng paumanhin sa kasalanang nagawa niya.
“Yun naman ang kailangan, harapin mo ang pagkakamali mo. Pagsisihan mo. Aminin mo kung ano yung dapat na mali na nagawa mo.
“Ikaw mismo sa sarili na alam mo kung ano ang tama, kung ano ang mali. Pag ito’y inamin mo, ang Diyos, walang dalawang salita, alam Niya kung ano ang plano niya sa ‘yo,” pahayag ni Jose.
LESSON FROM WALLY'S MISTAKE. May natutunan rin daw si Jose sa nangyari kay Wally.
“Hindi lang naman sa akin, siguro sa lahat ng mga artista na rin na ingatan natin kung ano ang binigay sa atin,” pakli ng Eat Bulaga! co-host.
“Alagaan natin 'to kasi kahit na sinong artista, hindi naman artista lang, kahit ibang tao, isang pagkakamali natin, na hindi natin alam na mali na pala yung ginawa natin.
“Alam natin na medyo hindi maganda ang pupuntahan mo, at hindi lang ikaw, pati yung mga nakapaligid sa ‘yo, masasaktan din.
“So, ingatan yung hanapbuhay, ingatan kung anong binigay sa 'yong biyaya, na para mapalago mo 'to at maipamahagi mo sa mga taong nangangailangan sa 'yo,” dagdag pang pahayag ni Jose.
LOOKING FORWARD TO JOSE-WALLY PROJECTS. Sa February 12 ay isi-celebrate ni Jose ang kanyang 48th birthday at masaya raw siyang ibinalik si Wally sa kanyang birthday celebration sa Bulaga.
“Nagpapasalamat ako sa Eat Bulaga! na siyempre masarap yung pakiramdam na ako pa yata ang naging daan para lumabas siya uli sa telebisyon.
“Matagal na ring nagkasama kami ni Wally, at marami na ring projects na hindi na natuloy.
“Sana makabangon siya, hindi lang naman para sa akin, siya, makabangon siya para sa pamilya niya lalo na ang anak niya na sana maka-recover na,” saad ni Jose.