Sinagot na ni Kris Aquino ang pahayag ni James Yap tungkol sa hindi nila pagkikita ng anak na si Bimby.
Kamakailan, sa isang event, inamin ni James na 5 buwan na nitong hindi nakikita si James “Bimby” Yap Jr. at talagang na-miss na raw niya ito.
Proud din daw siya sa natamong tagumpay ni Bimby pagdating sa pag-arte dahil tumabo ang pelikulang kinabibilangan nito na "My Little Bossings", isa sa mga entry sa nakaraang 2013 MMFF.
Pero ayaw na nitong magsalita pa kung bakit hindi sila nagkakasama ni Bimby kahit alam ng karamihan na legal na siyang makipagkita dito, sunod na rin sa visitation rights na napagkasunduan nila ni Kris Aquino.
“JAMES JUST HASN’T EXERTED THE EFFORT” Kaagad namang nagbigay ng statement si Kris tungkol sa hinaing ni James.
Sa ipinadala nitong pahayag sa TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, Jan. 31, sinabi nitong wala naman daw personal o legal na balakid si James para makasama ang anak.
Diin pa ni Kris, si James mismo ang walang kusa na makita ang anak si Bimby.
Narito ang pahayag ni Kris.
“There has been no reason, legal or personal, preventing James from going to Bimb’s school to pick him up and take him out for merienda".
“James just hasn’t exerted the effort.
“With all the blessings and success Bimby has received, I see no reason why my son shouldn’t reach out and help James celebrate his birthday on February 15.
“I asked Bimb if this was okay with him and he said yes.
“So, it’s just up to James to make the effort.”





0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento