PHNOY - Get Updated for the latest

PHNOY - Get Updated for the latest
Get Updated for the latest

Sabado, Pebrero 8, 2014

Wally Bayola resumes hosting job on Eat Bulaga!; apologizes to management and viewers for sex video mess


Matapos ang halos limang buwang pagkawala sa Eat Bulaga!, opisyal nang nagbalik ngayong araw, February 8, ang komedyanteng si Wally Bayola sa show.

Balik Eat Bulaga! si Wally Bayola simula kaninang tanghali, February 8, 2014.
Sa remote broadcast ng segment ng show na “Juan For All, All For Juan,” sinorpresa ni Wally si Jose. Ginanap ito sa Brgy. 686, Zone 75, Paco, Manila.
Dahil nalalapit na ang Araw ng mga Puso, ang ginawang gimik ng Eat Bulaga! ay ang kunwaring paghahanap ni Jose ng ka-partner.
Sa opening number ng show, wala sa sinumang performer ang sumakto sa hugis puso na hawak ni Jose.
Kalaunan, si Wally pala ang may dala ng kalahati, kasabay na rin ng pagbati niya ng maligayang kaarawan sa kaibigan.
Sa Miyerkules, February 12, ang ika-48 kaarawan ni Jose.
"SORRY PO..." Setyembre 2013 nang kumalat ang sex video ni Wally kasama ang isa sa dancers ngEB Babes.
Mula noon, hindi na muling nasilayan pa ang komedyante sa show.
Mga huling linggo ng Enero 2014, nagbalik entablado si Wally. Pero hindi pa rin malinaw noon kung makakabalik na ba talaga siya sa noontime show.
Sa pagdating ni Wally kanina sa remote location ng "Juan For All, All For Juan," yumakap muna ito kay Jose nang mahigpit. Mangiyak-ngiyak din ito habang yakap ang tinatawag niyang "Kuya."
Pero biro ni Jose, huwag daw muna itong umiyak dahil hindi pa raw niya tiyak kung pasok na ulit ito sa show.
Pambungad na mensahe ni Wally sa kaibigan, “Ang nag-iisa kong kuya. Kuya, hindi ako nakinig sa ’yo.”
Sabi ni Jose, “Tigas ulo mo, e.”
Dagdag pa ni Wally, “Kuya, partner, ang nag-iisa kong kaibigan, sorry. Sorry talaga.”
Sa sandaling iyon, kinantahan ng birthday song ng Dabarkads si Jose, at hinipan na din nito ang kandila sa kanyang birthday cake.
Patuloy ni Wally, “Sa Eat Bulaga!, sa mga manonood, sorry po. Sorry po sa nagawa kong kasalanan. Sana bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon para maiayos ko po buhay ko, patawad po.
"Sa inyo pong lahat, sorry po.”
"ANG DABARKADS HANDANG MAGPATAWAD..." Sabi naman ni Jose kay Wally, “Brod, sabi nga natin e total ganyan, humingi ka na rin ng tawad, at alam naman natin na pinagsisihan mo na kung ano man yung mga pagkakamali na nagawa mo sa buhay mo.
"Sabi nga natin, lahat naman tayo, lahat ng tao nagkaroon ng pagkakasala, lahat ng tao nagkakaroon ng pagkakamali.
"Ang importante, kung papano natin tatanggapin, kung papano natin aaminin sa sarili natin.
“Kasi ang tao minsan, matigas na, hindi kayang aminin yung pagkakamali. Pero ngayon, andito ka naman sa harap ng maraming tao at tinaon mo pa sa birthday ko—na inaamin mo na lahat yung kasalalan mo".
"Sabi ko nga Brod, tandaan mo ‘to, ang Diyos, hindi marunong magparusa, hindi ka pinaparusahan.
“Ang Diyos, masuwerte ka na nagkakaroon ka ng problema dahil pag nagkakaroon ka ng problema,  dun mo lang siya naaalala at ‘tong mga time na ‘to, siguradong malalapit ka lalo sa Kanya.
"At sana maging maayos na ‘yong buhay mo at yung pag-iisip mo, at kung ano man yung mga nasa utak mo.”
Pagtatapos pa ni Jose habang kinakantahan siya ng mga kasamahan sa Eat Bulaga!, “Ang tunay na Dabarkads, laging nandiyan at laging handang magpatawad.”

Biyernes, Pebrero 7, 2014

Comedian Tado Jimenez killed in tragic bus accident in Mountain Province


May mga pahiwatig na nga ba ang komedyanteng si Tado Jimenez bago ito nasangkot sa malagim na trahedya ng pagkahulog ng bus na sinakyan nito sa Bontoc, Mountain Province? May post kasi ito sa Instagram kung saan sinabi niya ang mga salitang “north o south…. cemetery.”

Isa ang komedyanteng si Tado—Arvin Jimenez sa tunay na buhay—sa labing-apat na kataong nasawi sa nahulog na bus ng Florida Transit kaninang umaga, February 7, sa Sitio Paggang, Barangay Talubin, Bontoc, Mountain Province.
Si Tado ay 39 years old.
Ayon sa ulat ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5, nasa 120 metro ang lalim ng binagsakan ng nahulog na bus. 
Sa panayam kay Chief Inspector Benjamin Challoy, ang chief of police ng Bontoc, Mountain Province, sinabi nitong base sa mga testimonya ng mga nakaligtas, nagkaroon daw ng pagpalya sa preno ng bus.
Patuloy pa rin daw nilang iniimbestigahan ang iba pang dahilan ng sakuna.
Kabilang sa nakaligtas sa disgrasya ang dalawang driver at konduktor ng naturang pampasaherong bus.
Handa naman daw tumulong ang pamunuan ng bus company sa mga gastusin ng mga namatay at kasalukuyang mga ginagamot sa ospital.
Naulila ni Tado ang kanyang apat na anak na babae at asawang si Lei.
PREMONITIONS? Bumuhos naman kaagad ang pakikiramay sa mga naulila ni Tado sa social media, lalo na sa Twitter.
May iba namang nag-tweet tungkol sa pakay ng biyahe ni Tado sa Mountain Province.
Ayon sa tweet ni Eurika Rosario: "Tado was apparently going to Mountain Province for a project, ironically titled: "Life begins at the mountain." OMG :( Then he died.”
Nag-retweet din ang singer-composer na si Noel Cabangon.
Kalakip din nito ang cover na may pamagat ng libro na gagawin daw nito na Life Begins at the Mountains.
“@dakila_ph: To those who are asking, reason why Tado Jimenez went to Bontoc was for this project. pic.twitter.com/xenMTZVTbf” Paalam kasama!
Kahapon, February 6, sa Instagram account naman ni Tado (@tadojimenez), nag-post ang komedyante ng isang larawan habang mini-makep-an siya.
May caption itong: “North o South.... cemetery?”
May isa rin itong post na larawan ng isang tabloid headline na may salitang "todas."
Kahapion din, habang sakay sa Florida bus, ay nag-post pa si Tado ng larawan ng naturang bus.
Naka-caption dito ang mga salitang: “Long trip, as in trip trip.”
Huling post nito ay larawan ng kalabasa.
Naka-caption dito ang: “Bigla ko na alala, grades ko sa eskwela.”

"TADO" IN SHOWBIZ. Nagsimula sa showbiz si Tado noong early 2000.

Ang screen name niya ay mula sa dinaglat na Tagalog word na "tarantado."

Naging bahagi siya sa teleserye ng ABS-CBN na Bituin, bilang King, noong 2002.

Ang ilan pa sa mga show na kanyang kinabibilangan ay ang mga sumusunod: Klasmeyts(2002), Masayang Tanghali Bayan (2003–2004), OK Fine, Whatever (2003), at MTB: Ang Saya Saya (2004–2005).

Bukod sa TV shows, lumabas din si Tado sa ilang comedy movies. Kabilang na dito angD'Anothers  (2005), Scaregivers (2008), at My Little Bossings (2013).

Bukod sa pagiging komedyante, si Tado ay isa ring radio personality, negosyante, at aktibista.

Lunes, Pebrero 3, 2014

Regine Velasquez's father, Mang Gerry, dies at 76

Nagpaalam na ang ama ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez, si Gerardo "Mang Gerry" Velasquez, ngayong hapon, February 3. Pumanaw si Mang Gerry sa edad na 76.
Ang larawang ito ay kuha mula sa Silver concert ni Regine sa MOA Arena noong November 16, 2012.
Pumanaw na ang ama ni Regine Velasquez na si Gerardo "Mang Gerry" Velasquez kaninang 1:39 ng hapon, February 3, dahil sa heart failure.
Si Mang Gerry ay 76 years old.
Kinumpirma ang malungkot na balitang ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang malalapit sa Asia's Songbird.
UPDATE: Ngayong hapon lang ay kinumpirma na rin mismo ni Regine ang balita sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Instagram account na @reginevalcasid.
Kalakip ang isang larawan na kuha noong araw ng kasal nila ni Ogie Alcasid noong 2010, kunsaan makikitang inaawitan ni Regine ang ama habang nagsasayaw sila, sinabi ng Songbird na:
"The leader of the band, Mang Gerry, joined his creator 1:39pm today. Thank you for praying for him during all these time that he has been fighting for his life. God bless you all."
Kuha ang naturang larawan sa kasal ni Regine at ng mister niyang si Ogie Alcasid noong December 22, 2010.
Kaninang tanghali ay humarap pa sa media si Regine para sa presscon ng Valentine concert nila ni Martin Nievera, ang Voices of Love.
Nahuli ng dating si Regine dahil nagkaroon daw sila ng "emergency." 
Nang tanungin kung ano ang "emergency" na ito, inamin ng singer na dinala sa ospital si Mang Gerry.
Ngunit sinabi rin ni Regine na naka-schedule naman talaga ngayong araw na magpa-check-up si Mang Gerry.
Diin pa niya, "He's okay."'
Nang tanungin kung umaasa siyang makakapunta sa kanyang concert ang ama, sagot ni Regine, "We're hoping for the best."
Nang matapos ang presscon ay namataan ng PEP si Regine na may kausap sa telepono, at agad na umalis ng Sir Boy's Food Republique, sa may Panay Avenue, Quezon City.
Samantala, nalaman naman ng PEP mula sa malapit na kaibigan ni Ogie na si Rey Lañada, na kinansela ng singer-songwriter ang rehearsal niya ngayong araw para sa kanyang Valentine concert.
May scheduled taping din dapat si Ogie para sa show niya sa TV5 ngunit baka hindi na rin niya ito siputin.
Napag-alaman din namin mula kay Rey na sa Bulacan ibuburol ang mga labi ni Mang Gerry.
Nitong mga nakalipas na taon ay nagpabalik-balik na sa ospital si Mang Gerry dahil sa kanyang kalusugan.
May pagkakataon pa ngang humiling si Regine at ang asawa niyang si Ogie Alcasid ng dasal mula sa mga kaibigan at tagasuporta nila para sa paggaling ni Mang Gerry.
May panahong bumuti ang kalagayan ni Mang Gerry ngunit nanghina rin ito ulit.
Si Mang Gerry ang itinuturing na humubog kay Regine upang maging isa sa pinakamahusay na singer, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Naging permanenteng pigura rin si Mang Gerry sa halos lahat ng concerts at shows ni Regine.
Ngunit sa darating na Valentine concert ni Regine, kasama si Martin Nievera, ay wala na si Mang Gerry.

Linggo, Pebrero 2, 2014

Deniece Cornejo's to Vhong Navarro: “Kung meron man ditong binaboy, hindi ikaw, kundi ako'ng binaboy mo.”


Excerpts from Deniece Cornejo's message for Vhong Navarro during her Startalk TX interview earlier today, Feb. 2: “Kuya Vhong, ngayon panalo ka. Pasensiya na, simple lang ako, hindi ako makapangyarihan. Ngayon panalo ka, pero matakot ka sa ikalawang buhay.”

Live na nag-guest si Deniece Cornejo sa StarTalk TX kahapon, Linggo, February 2.
Dahil magkahalo ang opinyon ng mga tao tungkol sa kanya, may sumasang-ayon at may mga bumabatikos sa kanyang mga sinabi tungkol sa kaso nila ni Vhong Navarro, tinanong muna si Deniece kung ano ang nararamdaman niya tungkol dito.
“Una po sa lahat, nauunawaan ko po dahil marami po ang nagmamahal at sumusuporta po kay Kuya Vhong, at trabaho lang po ng mga tao na... Sa mga media, gawin po yung trabaho po nila.
“Masakit pero kinakaya ko po,” ang unang pahayag ni Deniece saStarTalk TX 
Ano ang masasabi niya na ang karamihan sa publiko ang sympathy ay na kay Vhong?
“Masasabi ko lang po, kung mapapansin nyo po, lagi na lang po ang panig ni Vhong ang naririnig".
“Hindi pa po naririnig, hindi pa po nabibigyang-pagkakataon magsalita ang mga taong naapektuhan, at biktima," pahayag ni Deniece.
Sa pagharap niya sa mga kasong ito, sa mga interviews niya, kinakitaan ng tapang si Deniece. Meron pa ba siyang kinakatakutan?
“Kung wala kang ginagawang mali, wala kang kailangang ikatakas, walang kailangang ikatakot.
"Alam mo ang katotohanan, alam mo kung saan ka, ano ang ang limitasyon mo. Iyon lang po."
Tinanong naman si Deniece kung natatakot ba siya kay Cedric Lee?
Mabilis niyang sagot, “Hindi po.”
Meron bang dapat katakutan kay Cedric Lee?
“Sabi ko po, kung alam niyo po'ng katotohanan, walang kailangang katakutan.”
Sa gitna ng lahat ng mga pangyayari, nakakatulog pa ba si Deniece? How is she coping?
“Nagdadasal po ako gabi-gabi po.”
Sa mga oras na iyon na nasa StarTalk siya, ano ang laman ng puso niya?
“Unawa, sakit... Iyon po.”
Saan siya kumukuha ng lakas?
“Ever since, God-fearing po ako, e.
"Trabaho ko pong magpabago, mag-inspire, magsalita sa maraming tao. Iyon po.”
Dahil sa siya ay nasa gitna ng iskandalo, marami ang nagkainteres sa kanya at lumalabas sa Internet ang mga nagke-claim na nagpa-enhance siya ng kanyang mukha. Totoo ba ito?
“Kahit ikutin pa po nila sa buong mundo lahat ng klinika, wala po akong ipinabago.
“Aside po dun sa ipin [ngipin], dahil bata pa po ako nun at wala naman pong masama kung magpa-brace. Iyon lang po.”
Sa ngayon, marami ang humuhusga kay Vhong, kay Cedric, at kay Deniece. Sino ba talaga si Deniece na dapat makilala ng publiko?
Sino si Deniece bilang kaibigan?
“Tapat, hindi ka iiwan sa ere, ipaglalaban ka.”
Sino si Deniece bilang kapatid?
“Tuturo sa 'yo kung ano ang tama, hindi ka kakampihan 'pag mali ka.”
At sino naman si Deniece bilang anak?
“Masunurin, may takot sa magulang, ipaglalaban hanggang kamatayan,” ang naiiyak at basag na ang boses na pahayag pa ni Deniece.
Maraming kumukuwestiyon kay Deniece, lalo na nang mapanood ng publiko ang CCTV camera nang sumakay siya sa elevator at nakita siyang nakangiti o tumatawa. Ano ang nasa likod ng reaksiyon niyang iyon?
“Una po sa lahat, hindi pa po namin napapanood, nagkakaroon ng kopya dun sa CCTV.
"Kung tutuusin, nanakawan nga po ako after that incident.
“Hinihingi ko yung CCTV. Lahat ng pinaghirapan ko gusto kong malaman kung sinong kumuha dahil pangalawang beses na raw yun nangyari sa condo na yun.
“Ayaw pong ibigay sa akin.
"Kung nakikita po nilang panig-taas, panig-taas, wala naman pong nakakapagsabi dun na may date 'tsaka time.
“Kaya pasensiya na po, hindi po ako makapangyarihan, nasasaktan din po ako sa mga maling nakikita at mali ko pong natatanggap.”
Ang mga magulang niya ay sigurado na apektado sa nangyari. Kailan ba niya huling nakausap ang mga ito?
“Gabi-gabi po nag-uusap po kami, pinapaalam ko po kung ano'ng nangyayari sa akin at sabi ko po sa kanila kung malakas po ako, dapat malakas din po sila.”
Sino si Deniece bilang tao, ang pahabol na tanong kay Deniece bilang pagpapakilala sa kanyang sarili.
“May paninindigan, ipaglalaban ang karapatan. Ipaglalaban kung ano yung katotohanan. Iyon po.”
Sa mga interview niya, nag-iisa siya. Bakit ayaw magpakita ng mga magulang niya?
“Desisyon ko po yun. Laban ko po 'to, gulo ko po 'to, kakayanin ko po 'to.
"May tiwala po sila sa akin. Alang-alang lang po sa pamilya ko.”
Pero ano ang suporta na natatanggap niya mula sa mga ito?
“Pagdadasal po, iyon po.”
Nasa Pilipinas ba ang mga magulang niya?
“My dad is in the States, my mom nasa bahay po.”
Uuwi ba sila?
“Pinigilan ko po yung daddy ko.”
Ano ang mensahe niya sa mga magulang niya?
“Ma, daddy, salamat! Tinuruan nyo ako ipaglaban kung ano ang tama, magpatawad,” ang umiiyak na sinabi ni Deniece.
Dagdag niya, “Maraming salamat sa lahat ng tamang values at Christianity na itinuro niyo po sa akin.
"Salamat po. Iyon lang.”
Ano ang pakiramdam na dahil sa iskandalo ay “nakaladkad” ang pamilyang Cornejo na tahimik ang buhay?
“Hindi ko po ikinakahiya, hindi ko po pinagsisisihan dahil hindi po ito problema, ito ay pagsubok lamang.
"Malalaman mo kung sino ang mga taong 'andiyan sa 'yo hangga’t sa huli.
“Iyon lang po.”
Sumagi ba sa isip niya kahit minsan na takasan ang lahat? Na parang gusto na niyang tapusin na.
“Hindi po kailangang ikatakas, hindi po kailangang ikatago, may prinsipyo po ako, may paninindigan.
"Kailangang iharap ang totoong laban.”
May mensahe ba si Deniece para kay Vhong?
“Opo.”
Ano 'yon?
“Kuya Vhong,” ang umiiyak na pahayag ni Deniece, “may mga anak kang lalaki, may mga kapatid kang babae.
"Ang mga anak mong lalaki, ano'ng ituturo mo sa kanila, ano ang ipapamana mo sa kanila?
“Yung mali? Habang buhay mong dadalhin 'yan.
"Hindi 'to haka-haka lamang. Hindi ko itataya, hindi ko isusugal ang pangalan ko sa sensitibong paraan.
“Kuya Vhong, mag-isip ka. Mag-unawa.
“Pasensiya na po ganito po talaga ugali ko. Hindi ko po kasalanan na pinalaki ako ng magulang ko na ipaglaban kung ano'ng katotohanan at karapatan.
“Hindi po ako nagtatapang-tapangan pero prinsipyo po ang pinaglalaban ko dito.
“Kung sinasaktan niyo po ang isang rape victim na katulad ko, parang sinasaktan niyo na din ang mga rape victim, mga naabuso, na tahimik lamang.
"Yun bang ehemplo na ipapakita nyo?
“Kuya Vhong, ngayon panalo ka. Pasensiya na, simple lang ako. Hindi ako makapangyarihan.
"Ngayon panalo ka, pero matakot ka sa ikalawang buhay.
“Ako handa akong ibuwis ang buhay ko, na nagsasabi ako ng katotohanan, hindi ako natatakot.
“Hindi po ako natatakot. E, mas ikakatakot ko ang ikalawang buhay diyan sa impiyerno.
“Kung ikaw nasaktan diyan, mas matakot ka. Ako iyon ang kinakatakutan ko, e.
“Hindi ako nag-iimbento, dahil pag sinabi ko, kaya kong ihanda, ibuwis ang buhay ko dahil nagsasabi ako ng katotohanan.
“Hindi 'to problema, pagsubok lamang 'to.
"Sa mga tao na naabuso, sa mga babae na nasaktan, nandito ako para lakasan ang loob ninyo.
“Yung mga lalaki na tumulong sa akin, mga lalaking sinagip ako, napakabuting tao niyan. Galing sa
disenteng pamilya 'yan.
“Ginulo mo? Sinasabi niyo, pinapakita niyo na marami silang kuneksyon, mayaman sila.
"Oo, dahil sa sipag at tiyaga nila kaya sila pinagkatiwalaan ng mga [nasa] gobyerno.
“Bakit puro na lang... Bakit puro na lang kami? Sila na nga ang tumulong, e.
“Tinulungan nila ako, ipinagtanggol nila ako, kaya ito ang tamang oras para ipagtanggol ko sila. Hindi nila ito deserve.
“Kuya Vhong, hindi 'to pelikula, totoong buhay 'to.
"Oo, komedyante ka, pero lahat ng saya, merong dark side. May kalungkutan din na kailangan mong harapin.
“Magpakalalaki ka dahil itong mga lalaki na 'to, parang kapatid ko, nagpakalalaki.
“Magpakalalaki ka.
"Pag ang kapatid ko mali, mali. Hindi ko siya nakakampihan.
“Kung iniisip mo'ng career mo, ang trabaho mo, tutulungan kita. Sa pangalawang pagkakataon, susuklian ko ng kabutihan.
"Kung meron man ditong binaboy, hindi ikaw, kundi ako'ng binaboy mo.”
Hiningan naman ni Heart si Deniece ng mensahe sa mga taong naniniwala sa kanya at ano naman ang mensahe niya sa mga hindi naniniwala?
“Sabi nga po nila your action reflects kung ano'ng klaseng tao kayo, hindi ko kayo huhusgahan dahil hindi ako nanghuhusga ng tao.
“Ngayon nagpapakasaya kayo, sinasaktan niyo pamilya ko, mga kapatid ko, mga taong gusto 'kong pagtanggol, mga proyekto ko, mga kumpanya na tinulungan ako.
"Huwag kayong mag-alala, poprotektahan ko kayo hangga’t kaya ko.
“Sa mga tao na hindi naniniwala sa akin, salamat po. Sa mga taong naniniwala, salamat din po.
“Hindi pa po huli, nadadagdagan lang po ang kasalanan ninyo.
"Kung ako ang instrumento para mapabago ang isang tao, ipaglalaban ko nang kamatayan.”
At bilang pagtatapos, nag-iwan muli ng mensahe si Deniece kay Vhong.
“Kuya Vhong, I will still pray for you."
"I will still pray for you, na sana gumaling ka, na sana yung family mo maiintindihan din ako.
"Iyon lang po.

James Yap lawyer Atty. Lorna Kapunan reveals PPO favoring Kris Aquino prevents the cager from visiting son Bimby

Batay sa pahayag ng kampo ni James Yap, nahihirapan umano ito na mabisita ang anak na si Bimby dahil sa Permanent Protection Order (PPO) ng korte na pabor kay Kris Aquino. Binabawalan din daw nito ang cager na lumapit sa yaya, kasambahay, guwardiya, pati na rin ang tumawag at magpadala ng text messages sa kanila.

Hangga't maari, ayaw na raw sana ng kampo ni James Yap na makipagpalitan ng salita kay Kris Aquino.
Pero sa ekslusibong pahayag ng abugado ni James na si Atty. Lorna Kapunan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, February 1, klinaro nito sa pamamagitan ng text ang visitation rights na iginawad ng korte sa kanyang kliyente.
Ang nagiging hadlang daw rito ay ang Permanent Protection Order ng korte kay Kris. 
Kaya kung kasama lagi ni Bimby si Kris, hindi makakalapit si James.
Narito ang statement ni Atty. Lorna Kapunan:
“We do not want to engage in a verbal exchange with Kris.
“There is an order of the court recognizing James right to visitation.
“The parties have to comply with it IN GOOD FAITH.
“There is also a Permanent Protection Order (PPO) in Kris favor so James cannot go near Bimby if he is always with Kris.”
Mayo ng nakaraang taon nang i-deny ng korte ang petition for PPO ni Kris laban kay James para hindi ito makalapit sa anak. Pero iginawad naman ng korte ang PPO ni Kris laban kay James, para hindi ito makalapit sa kanya. 
PPO COVERS YAYAS, MAIDS, GUARDS, CALLS, TEXT MESSAGES. Isa pang gustong klaruhin ni Atty. Kapunan ay ang sinabi ni Kris na walang "effort" si James para makita ang anak.
Sagot ito ni Kris sa pahayag ni James na limang buwan na niyang hindi nakikita si Bimby, na miss na miss na daw niya.
Pero ayon kay Atty. Kapunan, kahit pa maari raw bisitahin ni James si Bimby sa eskuwelahan nito para makapag-bonding silang mag-ama, ang madalas na kasama ng anak ay sakop ng PPO.
Saad ng abugado sa text, “The PPO also covers the yayas, maids, guards so James cannot get near Bimby if they are with him unless on dates scheduled by the court as agreed by the parties.
“PPO covers also calls, text messages.”

Sabado, Pebrero 1, 2014

KRIS AQUINO: IT'S JUST UP TO JAMES TO MAKE THE EFFORT


Sinagot na ni Kris Aquino ang pahayag ni James Yap  tungkol sa hindi nila pagkikita ng anak na si Bimby. 

Kamakailan, sa isang event, inamin ni James na 5 buwan na nitong hindi nakikita si James “Bimby” Yap Jr. at talagang na-miss na raw niya ito.
Proud din daw siya sa natamong tagumpay ni Bimby pagdating sa pag-arte dahil tumabo ang pelikulang kinabibilangan nito na "My Little Bossings", isa sa mga entry sa nakaraang 2013 MMFF.
Pero ayaw na nitong magsalita pa kung bakit hindi sila nagkakasama ni Bimby kahit alam ng karamihan na legal na siyang makipagkita dito, sunod na rin sa visitation rights na napagkasunduan nila ni Kris Aquino.
“JAMES JUST HASN’T EXERTED THE EFFORT” Kaagad namang nagbigay ng statement si Kris tungkol sa hinaing ni James.
Sa ipinadala nitong pahayag sa TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, Jan. 31, sinabi nitong wala naman daw personal o legal na balakid si James para makasama ang anak.
Diin pa ni Kris, si James mismo ang walang kusa na makita ang anak si Bimby.
Narito ang pahayag ni Kris.
“There has been no reason, legal or personal, preventing James from going to Bimb’s school to pick him up and take him out for merienda".
“James just hasn’t exerted the effort.
“With all the blessings and success Bimby has received, I see no reason why my son shouldn’t reach out and help James celebrate his birthday on February 15.
“I asked Bimb if this was okay with him and he said yes.
“So, it’s just up to James to make the effort.”

Biyernes, Enero 31, 2014

James Yap complains about not seeing son Bimby for five months now


James Yap on Kris Aquino's parenting style: “Kilala naman natin si Kris kung paanong mahalin yung anak ko... Kung anong plano niya sa future ni Bimby… ako kasi, hindi mo madiktahan yung isang tao kung ano ang gusto niya. Sa ngayon, dahil maliit pa siya [Bimby], siyempre nadidiktahan mo pa, 'Sige, gawin mo yung ganito.' Pero paglaki niyan, siya na ang masusunod."

Limang buwan na raw hindi nakikita ng PBA player na si James Yap ang ang anak nila ng dating asawang si Kris Aquino—si Bimby Aquino Yap.
Ito ang isiniwalat ni James nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Virtual Sports, Inc., na pag-aari ng manager niyang si Dondon Monteverde, sa Revolver Fort office, Bonifacio Global City, Taguig, kagabi, January 30.
“Matagal ko na siyang hindi nakita. Sana makita ko siya soon.
"Mahirap lang magsalita… pero huwag na lang… okay lang,” medyo nag-aalangang pahayag ng basketball star.
Umiwas din si James nang tanungin namin tungkol sa visitation rights, na sa pagkakaalam ng publiko ay iginawad na sa kanya ng korte.
Saad niya, “No comment na lang muna ako diyan, kasi medyo siyempre lumagpas ako sa ako… may gag order pa kasi ako.
"Bawal magsalita sa kung anumang isyu sa aming dalawa ng nanay niya.
“Siyempre bilang tatay, mami-miss mo yung anak mo.
"Basta dasal na lang na sana maayos na ang lahat at makasama mo yung anak mo."
Dagdag pa ni James, “Sa billboard ko lang siya nakikita, o sa pelikula din.
“Hindi ko na alam ngayon kung gaano na siya katangkad.
“Hopefully soon, makakasama ko na ang anak ko.”
PROUD DAD. Pero inamin ni James na proud siya sa kanyang anak nang mapanood ang unang pelikula nito, ang My Little Bossings, noong Metro Manila Film Festival 2013.
Nagpa-block screening daw si James kasama ang mga kaibigan, at natutuwa siya dahil pinuri raw si Bimby at maganda ang kinalabasan ng pelikula.
Aniya, “Nagulat ako na magaling pala umarte. Nakakatuwa.
“Siyempre, nung una kong napanood, talagang sobrang saya.
"And siyempre, bilang tatay, proud na proud ka.
“Kasi bilang tatay, pag may nagawa ang anak mo tulad ng ganyan, siyempre proud ka.”
Kung gusto raw ni Bimby na ituloy ang pag-aartista, suportado naman daw ito ni James, basta huwag lang maapektuhan ang pag-aaral.
Dagdag pa niya, “Kasi ako, sa totoo, hindi ako nakatapos sa pag-aaral ko, and gusto ko matapos siya.
"Huwag lang maapektuhan yung pag-aaral niya, dahil yun ang pinakaimportante."
Hindi naman daw na-offend si James nang nakita niya sa billing sa pelikula na "Aquino" ang apelyidong gamit ni Bimby, at hindi ginamit ang "Yap."
“Sa akin, okay lang yun.
"Siyempre, okay kahit anong gawin nila diyan sa pelikula.
"Pero sa totoong buhay, sa palagay ko, parang hindi naman tama.
“Bahala sila sa pelikula, kung hindi gamitin yung [apelyido] ko… bahala siya, basta sa akin sa totoong buhay.
“Sa pelikula, puwedeng gumawa ng screen name, so tanggap lang.
“Kung hindi nila type yung [apelyido] ko, basta sa totoong buhay, huwag nilang galawin,” saad ni James.
KRIS AS A MOTHER. Hindi naman daw kinukuwestiyon ni James kung paano alagaan at palakihin ni Kris ang kanilang anak.
Masaya raw si James sa pagpapalaki ng dating asawa kay Bimby.
Sabi niya, “Kilala naman natin si Kris kung paanong mahalin yung anak ko, and nakita ko din yung pagpapalaki niya kay Josh.”
Si Josh ang anak ni Kris sa dating nitong karelasyon na si Phillip Salvador.
Patuloy ni James, “Kung anong plano niya sa future ni Bimby… ako kasi, hindi mo madiktahan yung isang tao kung ano ang gusto niya.
“Sa ngayon, dahil maliit pa siya [Bimby], siyempre nadidiktahan mo pa, 'Sige, gawin mo yung ganito.'
"Pero paglaki niyan, siya na ang masusunod.
"Either gusto niyang mag-artista o gusto niya mag-businessman o mag-basketball player, hindi natin alam.
“Ako, andito lang ako, susuportahan siya kung anong gusto niyang gawin in the future.”
Umaasa pa rin ba si James na magkakaayos sila ni Kris at maging magkaibigan alang-alang sa kanilang anak?
Sagot niya, “Hindi ko alam, e.
“Siguro darating din yung panahon talaga, yung walang choice kundi… kumbaga maging civil lang.
"Kasi siyempre, may anak kami.
"Hindi naman puwedeng paglaki ni Bimby, magkaaway pa rin kami."
WEDDING TALKS. Pagdating sa kanyang relasyon kay Michela Cazzola, itinagngi ni James ang balitang magpapakasal na sila.
“Wala pa naman, e.
“Hindi naman minamadali ‘yan. So, relax lang.
“Ini-enjoy lang namin ang isa’t isa.
"Kasi yun naman talaga ang importante.
"Kasi yung pagpapakasal, hindi mawawala ‘yan. Basta kilalanin niyo muna ang isa’t isa.”
Ang hiling lang ni James, kung sakaling si Michela na nga ang pakakasalan niya, tanggapin din nito ang kanyang anak.
Sabi niya, “Pag hindi niya matanggap na meron akong anak, e, di hiwalay na lang.
"Kasi yun ang importante, kailangan matanggap mo yung anak ko, package deal na ‘yan.
"Kailangan maintindihan na niya na may anak ako."